^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Rollback sa pamasahe

-
SUNUD-SUNOD ang rollback sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene. Pitong sunud-sunod na linggo nang nagro-rollback ng 50 sentimos ang petroleum products. Pati ang liquefied petroleum gas ay nagrollback din ng P2. At sabi ng Consumer and Oil Price Watch sunud-sunod pa ang mangyayaring pagbabawas ng presyo ng langis. Linggu-linggo raw hanggang sa matapos ang 2006 ay magkakaroon ng 50 sentimos na bawas sa presyo ng oil products.

Magandang balita ito sa mamamayang Pilipino. Ngayon lamang nangyari na sunud-sunod ang pagrollback ng mga produktong langis. At mas lalong magiging maganda kung pati na ang presyo ng LPG ay linggu-linggo ring bababa. Umabot sa mahigit na P500 ang 11-kgs. ng LPG. Marami ang napaaray sa mataas na presyo. Ngayon ay mahigit P400 ang bawat 11-kgs. ng LPG. Mataas pa rin at marami ang umaaray sa hapdi sa kanilang bulsa.

Bumaba ang presyo ng langis sa world market at maaaring magpatuloy pa sa pagbaba sa mga darating na buwan. Maaari raw umabot sa $40 bawat bariles ng langis. Mula sa mataas na $76 bawat bariles ay unti-unting bumaba hanggang sa umabot sa $56 ngayong buwang ito.

Sa pagrollback ng mga produktong langis, inaasahan naman ng mamamayang Pinoy na mararanasan din nila ang magandang epekto nito. Unang-una siyempre ang pagrollback din ng pamasahe. Sa ngayon ay P7.50 ang minimum na pamasahe sa mga dyipni at nadadagdagan ng 50 sentimos sa sunod na apat na kilometro. Mabigat ang P7.50 sa mga manggagawa na sumusuweldo lamang ng karampot. Kung malayo ang kanilang pinagtatrabahuhan, malaking pera ang kanilang nagagastos sa pamasahe. Halos ang kanilang karampot na kinikita ay napupunta lamang sa pamasahe.

Kamakalawa ay nagpahiwatig ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board na maaaring magrollback sa pamasahe bunga ng sunud-sunod na rollback sa oil products. Hindi sinabi ng LTFRB kung magkano ang ibababa sa pamasahe pero pinag-aaralan na umano nila ito.

Magandang balita na bumababa ang gasolina pero mas magiging maganda at mas masustansiya kung madarama ng mga karaniwang mamamayan ang pagbaba nito. Balewala ang pagbaba kung ang hapdi nang mataas na pamasahe ay nananatili. Pag-usapan na ang bagay na ito.

BALEWALA

BUMABA

CONSUMER AND OIL PRICE WATCH

FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

KAMAKALAWA

LAND TRANSPORTATION

LINGGU

MAGANDANG

NGAYON

PAMASAHE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with