^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Ano’ng balita kay Joc-joc?

-
MABUTI pa si Charlie "Atong" Ang at may balitang malapit nang mapabalik sa Pilipinas. Ayon sa Department of Justice, hindi na raw magtatagal at malapit nang ma-extradite si Ang. Si Ang ay isa sa mga alipores ni dating President Joseph Estrada,. Bumagsak si Estrada noong 2001. Nang bumagsak si Estrada, isa-isa nang nagliparan ang marami niyang alipores at isa rito si Ang na isang negosyante. Naaresto si Ang sa Las Vegas noong November 2001. Nang mainterbyu ng ABS-CBN si Ang sinabi niyang haharapin niya ang mga kasong isinampa sa kanya sa pagbabalik niya sa Pilipinas. Nahaharap sa kasong plunder si Ang. Ayon pa sa DOJ, sa pagbabalik sa bansa ni Ang, maaaring buksan ang iba pang kaso ni Estrada. Maaari ring buksan ang kaso ng misteryosong pagkawala ni Edgar Bentain. Si Bentain ang nagpuslit ng video kung saan ay nakunan si Estrada at si Ang na naglalaro ng baccarat isang five star hotel noong 1998. Sumunod na taon ay hindi na nakita si Bentain.

Malapit na ngang ma-extradite ang alipores ni Estrada at kung magiging mabilis at patas ang paggulong ng hustisya ay maaaring matanggap ni Ang ang kanyang parusa. Ang kasong plunder ay may katapat na parusang kamatayan.

Ang tanong ngayon ay kailan naman kaya maeextradite ang alipores ni President Arroyo na si dating Agriculture Usec. Jocelyn "Joc-joc" Bolante? Si Bolante ay hinuli rin sa US at kasalukuyang nakakulong doon. Pinahuhuli ng Senado si Bolante para sagutin ang mga katanungan sa P728-milyong fertilizer fund. Ang fertilizer fund ay dinivert sa campaign fund ni Mrs. Arroyo sa halip na mapunta sa mga magsasaka. Ilang beses nang ipinatawag ng Senado si Bolante subalit naging mailap ito. Hanggang sa mahuli nga siya ng Immigration officials. Mula noon ay hindi malaman kung nasaan na si Bolante.

Marami ang naiinip sa pagsulpot ni Bolante. Marami na rin ang naghihintay kung paano siya gigisahin sa maanomalyang fertilizer fund. Maraming tanong tiyak kung bakit nagawa ni Bolante na idivert ang pondo para sa campaign fund ni Mrs. Arroyo. Sino ang utak?

Nasaan na si Bolante? Walang makapagsabi kung ano na ang nangyayari. Mabuti pa si Ang at malapit nang bumalik para magisa na sa mga kasalanan niyang ginawa. Ganito rin ang dapat ang gawin kay Bolante.

AGRICULTURE USEC

AYON

BOLANTE

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDGAR BENTAIN

LAS VEGAS

MARAMI

MRS. ARROYO

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with