^

PSN Opinyon

Babala ng BITAG sa mga abusadong taxi driver, humanda na kayo!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MATAPOS ang ginawang operasyon ng BITAG sa isang wanted na nagtatago sa Bgy. Rizal Makati City, aksidenteng nakatagpo ang BITAG ng isang kolokoy na taxi driver.

Dahil sa nagmamadali ang grupo ng BITAG, agad na sumakay ang grupo sa kanyang minamanehong taxi. Pero pambungad pa lamang ng nasabing driver ay magdagdag na lamang sila ng singkuwenta pesos dahil overloading at limang tao lamang ang puwedeng maging pasahero.

Kahit sino namang pasahero ay hindi naman papayag sa ganung usapan dahil lamang sa nagmamadali at sobra sa bilang ang sasakay.

Kaya’t ang ginawa na lang ng mga BITAG staff ay na hatiin na lamang ang sasakay sa taxi.

Ngunit hanggang nakasakay ang mga BITAG staff ay panay ang putak na parang inahing manok dahil hindi pa niya alam na mga BITAG ang kanyang sakay.

Dahil dito, napilitang magpakilala ang mga BITAG staff sa maayos na paraan subalit hindi pa rin ito tumitigil sa kanyang kakaputak.

Hanggang sa makababa ang mga BITAG staff ay patuloy pa rin ito sa kanyang pagputak akala siguro ni kolokoy ay hindi nakuha ng BITAG ang surveillance camera ang kanyang mga asal.

Kinabukasan sa aming action center, lakas loob na dumulog ang nasabing taxi driver sa Broadcast City sa IBC 13 compound.

Noong una nang hindi pa si Mr. BITAG ang kanyang nakaharap kaya naman patuloy sa pagpapaliwanag ang hyper na taxi driver.

At nang si Mr. BITAG na ang kanyang kaharap hindi na siya nakahirit pa.

Akala niya siguro makakalusot siya sa kanyang estilong kawatan hindi niya alam lalo pa siyang nadiin sa kanyang mga binitiwang salita.

Panoorin ang buong detalye bukas sa BITAG Extreme sa IBC 13.

vuukle comment

BGY

BITAG

BROADCAST CITY

DAHIL

HANGGANG

KAHIT

KANYANG

RIZAL MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with