Opinion sa cha-cha mula sa Canada
October 2, 2006 | 12:00am
IGINIIT ng kilusang Sigaw ng Bayan na "legal" ang mga nakalap nitong mga pirma para pasimulan ang Peoples Initiative sa pag-amyenda sa Saligang-Batas ng bansa. May pagdududa ang Korte Suprema sa prosesong ito sa ginanap na debatihan sa isyu nung nakaraang linggo at hinihingan ng ibayong pagpapaliwanag ang mga proponents ng charter change. Kung matutuloy o hindi ang Peoples Initiative, panahon lang ang makapagsasabi. Pero ayon kay House Speaker Jose de Venecia, may nalalabi pang option para mabago ang Konstitusyon. Itoy sa pamamagitan ng Constituent Assembly na ditoy magsasanib bilang iisang kapulungan ang Senado at Mababang Kapulungan sa isasagawang pagbabago ng Saligang-Batas.
Hindi puwedeng imanipula ang prosesong iyan. Taumbayan lang talaga ang ubrang humatol kaya hinihingan natin ng opinyon ang publiko. Isang email ang tinanggap ko from Canada tungkol sa usaping ito at nais kong bigyang daan. Ang sulat ay mula kay Ohtie Magnaye. Narito ang kabuuang liham:
Dear Mr. Pedroche
Pangungumusta at pagbati ng magandang araw sa iyo at sa mga masugid na taga subaybay ng iyong pitak. Isa rin po ako sa sumusubaybay sa iyong mga isinusulat, sa pamamagitan ng internet. Sa ngayon po ay maituturing na ako ay isang PILIPINO CANADIAN matagal-tagal na rin naman akong nalayo diyan sa ating INANG BAYAN PILIPINAS. Pero sa aking isip, pagkatao, salita at ugali ay ipinagmamalaki ko sa buong mundo na ako ay isa pa ring Pilipino.Sa ngayon at simula pa man ay wala kaming pinapanigan dyan sa ating mga namumuno ng ating bansa, oposisyon man o administrasyon. May mga sinumpaan sila na kaya sila ibinoto ng mga tao ay para tumulong sa ikagaganda ng BAYAN at kabuhayan ng mga tao, pero ano ang mga pinag-gagawa ng mga POLITIKONG ito kundi mag BANGAYAN. Ang nakapagtataka pa ay puro mga MILLIONARYO. Pinapasok ang politika para lalo pang maging millionaryo sa kurakot at magkamayroon ng mga bodyguard.
Dito sa aming kinalalagyan sa ngayon kami ay masasabi na ring maligaya bukod sa kahit na kami sa karamihan ay mga CLEANER pero ang aming kinikita ay sobra-sobra pa sa pang araw-araw na gastos at dito sa bansang ito ay PARE-PAREHAS lang ang takbo ng pamumuhay WALANG MAYAMAN, WALANG MAHIRAP at napaka DISIPLINADO ng mga TAO dito, siguro dahil disiplinado rin ang mga nagpapatakbo ng GOBYERNO rito.Kung titingnan nyo sa MAPA ang LAKI ng BANSANG CANADA halos mahigit 100 beses ng PILIPINAS ang laki.Makikita mo lang dito sa mga kalsada ang mga MAYAYAMAN, mga SIKAT na TAO mga POLITIKO naglalakad lang na parang normal na mga mamamayan walang body-bodyguard...Dapat magpasalamat tayo sa mga taong nais baguhin ang ating kabuhayan at takbo ng GOBYERNO, o kay Mr. Chua ng CHINESE COMMUNITY, Magpasalamat tayo sa mga nagsusulong ng CHARTER CHANGE, Tulad ng takbo ng GOBYERNO dito sa CANADA at sa mga PARLIAMENTARY GOVT. na mauunlad na BANSA. panahon na para magpalit ng GOBYERNO ang BANSANG PILIPINAS..MABUHAY TAYONG LAHAT.
Ohtie Magnaye Email me at [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended