^

PSN Opinyon

Gen. Nap Cachuela nabubundat ka ba sa uwing tsibug ni PO1 Angelito Aguas?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAAARING maapektuhan pa ang tsansa ni Chief Supt. Napoleon Cachuela na maging hepe ng PRO4-B sa darating na reshuffle ng PNP kapag hindi niya masawata ang pananalasa ni PO1 Angelito ‘‘Hawk’’ Aguas sa mga putahan, pasugalan at bold shows. Itong si Aguas kasi mga suki ay nag-iikot sa southern Metro Manila para ipangolekta ng lingguhang intelihensiya ang opisina ni Gen. Cachuela, ang hepe ng Operations ng NCRPO nga. Siyempre, kaya sumingaw at nakarating sa akin ang mga reklamo dahil harabas kung tumira si Aguas. ’Ika nga bukambibig siya ng mga gambling lords, beerhouse at casa operators. At kung may green light nga ni Gen. Cachuela si Aguas, aba kukunsintihin niya ito, di ba mga suki? Ang sumbong pa nga ng mga beerhouse, halos araw-araw kung dumadaan sa kanila si Aguas, nagpapaluto ng pulutan at tini-take-out pa. Para sa pamilya kaya? O baka mabundaat si Gen. Cachuela sa mga iniuwing pagkain ni Aguas ah? Kaya kilos na Gen. Cachuela, bago bumaho ang pangalan mo at mapurnada pa ang pangarap mong maging director ng PRO4-B! Sayang din dahil abot kamay na eh, he-he-he! Tiyak lagot si Aguas sa latigo ni Gen. Cachuela.

Kasi kapag nagpatuloy ang pangongolekta ni Aguas, magkaroon ng haka-haka na wala ring gagawin si Gen. Cachuela sa PRO4-B kundi ganun din, di ba mga suki? Parang sakit kasi ’yan na kapag may dumarating na sa bulsa, eh ang gusto mo wala na itong katapusan. At imbes na matuwa, baka ma-itsa puwera pa ng mga pulitiko si Gen. Cachuela sa PRO4-B dahil baka maging pugad ng pasugalan, putahan at beerhouse ang lugar nila. May bahid ng katotohanan, di ba mga suki?

Hindi lang DRDO ang kinokolekta ni Aguas kundi may iba pang unit ng pulisya tulad ng Regional Anti-Illegal Gambling (RAIG) na si Gen. Cachuela rin ang binabanggit niya. Mayroon ding DISOD ng CIDG at ang binuwag ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon na Special Operations Task Force o SOTF. At isama ko na sa listahan ni Aguas ang R-Sec. Aba pati ba naman sekretarya ng NCRPO may orbit din? Ano na ba ang nangyayari sa PNP? Saan diyan ang transformation plan na ipinagmamalaki ni Calderon? Baka naman ang intindi ni Aguas ng transformation plan ng PNP ay paigtingin pa ang koleksyon ng lingguhang intelihensiya? He-he-he! Dapat ipa-schooling muna si Aguas o Hawk para lumawak ang kaalaman niya ng mandatos ng PNP. Puwede na siyang ipadala sa Subic, Dir. Reynaldo Varilla Sir.

Kung sabagay, hindi lang si Aguas ang kinamumuhian ng mga may illegal sa SPD area kundi maging itong mga taga-RSAU tulad nina Noel de Castro, Richard Flaviano, Armando Aligada, mga alyas Cervantes, at Taacon at Balde Valderama na ang lakad ay ‘‘hulidap’’. Iginigiit ng taga-RSAU na wala naman daw order si Varilla kay Supt. Villanueva, ang hepe nila, na huminto na sila sa pagpangolekta ng lingguhang intelihensiya. Imbes kasi na mga kriminal o terorista ang habulin ng RSAU, ang fighting unit ng NCRPO, eh pagkakitaan ang laman ng utak nila. Kaya basahin n’yo ang diyaryo mga suki at panay RSAU ang bida sa mga katiwalian dito sa Metro Manila. Dapat linisin ni Varilla itong hanay ng RSAU dahil hulidap o baka-sakali ang lakad nila at ang pangalan niya ang nagigisa. Abangan!

vuukle comment

AGUAS

ARMANDO ALIGADA

BALDE VALDERAMA

CACHUELA

CHIEF SUPT

DAPAT

GEN

KAYA

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with