^

PSN Opinyon

Biktima ng illegal recruiter patuloy sa pagdami

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
PATULOY ang pagdami ng mga nabibiktimang illegal recruiter sa Pilipinas. Sa bawat araw maraming biktima ang nagsasadya sa BITAG action center para ireklamo ang mga taong nagre-recruit sa kanila na nangako ng trabaho sa ibang bansa.

Kawawang mga biktima na naniwala sa matatamis na salita ng mga manggagantsong recruiter. Ang ilan ay inutang o di naman kaya nagsanla ng mga ari-arian makapagbigay lang ng perang kailangan daw para makaalis. Pagkalipas ng ilang buwan ay hindi na makita ang mga taong binigyan nila ng pera.

May mga ahensiya man ng gobyerno tulad ng Philippine Overseas Employment Agency o POEA ay patuloy pa rin ang pagdami ng biktima ng illegal recruiter. Hindi sapat ang babala kung hindi naipapatupad ng tama para makaiwas ang mga Pinoy sa panloloko ng mga recruiter.

Isa pa masaklap na katotohanan may mga taong dapat nagpapatupad ng batas ay nababayaran kaya’t walang nangyayari sa mga nagrereklamo. Kaya patuloy ang pagbibigay ng babala ng BITAG sa publiko na maging maingat sa recruitment agency na aaplayan.

At kayo sa POEA patuloy ang pagdami ng mga biktima ng illegal recruitment siguro panahon na para kumilos kayo at gumawa ng aksyon para masolusyunan ang problemang ito.

BIKTIMA

ISA

KAWAWANG

KAYA

PAGKALIPAS

PARA

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT AGENCY

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with