Abaya iniipit sa Poro Point
September 19, 2006 | 12:00am
MALALA na itong problema sa Poro Point Freeport na pag-aari ng Bases Conversion and Development Authority. Nakikialam kasi si Gov. Chavit Singson ng Ilocos Sur, hindi ang La Union province kung saan naroon ang Poro Point. Pinagre-resign niya si BCDA president Narciso Abaya dahil sa umanoy maruming kontrata ng pribadong Bulk Handlers Inc. Kaso mo, ang kontratang yon ay nung 1999 pa, bago sumali si Abaya sa BCDA nito lang Nobyembre 2004. At tirahin man ni Singson ang BHI, hindi maikakaila na mga bata niya sa BCDA ang nag-approve ng Poro Point management contract nito nung 1999.
Batid ni Abaya na sobrang pabor sa BHI ang contract. P50 milyon lang ang concession fee na ibinabayad sa BCDA kada taon, na dati nang kita ng Poro Point miski wala pa ang BHI, pero may tax breaks pa ang huli. Sinita ni Abaya kung bakit hindi pa dine-develop ng BHI, sang-ayon sa kontrata, ang 50 ektaryang industrial park at 30 ektaryang seaport. Sagot agad ng BHI na kasalanan lahat ng BCDA dahil hindi pa itini-turn over ang kabuuang 80 ektarya, kundi 71 ektarya lang. Yun pala, wala pa si Abaya sa BCDA, alam na ng mga opisyales na ang natitirang siyam na ektarya ay titulado pala sa Lepanto Mines. Nang matuklasan ito ni Abaya, saka lang niya ipina-expropriate ang lupa upang mabili na mula sa Lepanto.
Dapat daw, sigaw ni Chavit, palayasin ang abusadong BHI mula sa Poro Point dahil sa breach of contract. Hindi naman ito magawa ni Abaya, dahil korte lang ang may kapangyarihan mag-nullify ng kontrata. Ang masaklap pa nun, ang paggawa ng industrial park ay tungkulin hindi ng BHI mismo kundi ng Poro Point Industrial Corp. Isa itong joint venture ng BCDA (30%) at BHI (70%). Kumbaga, mag-partner sila sa PPIC.
Lumala kelan lang ang gulo dahil sa dalawang kaganapan. Una, ang Poro Point Management Corp., na subsidiary ng BCDA, biglang pinasyang void ang development contract ng PPIC. Ikalawa, ipinasara ng DENR ang PPIC dahil wala pala itong environment compliance certificate. Halatang may mga aninong gumagalaw sa likod ng pangyayari, kaya hindi malutas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended