^

PSN Opinyon

Reklamo sa Civil Service Commission

- Al G. Pedroche -
GUSTO kong bigyang daan ang reklamo ni Engr. Elpidio Tolentino, asawa ng ating Malacañang reporter Lilia Tolentino at retiradong Regional Technical Director for Land Sector ng DENR Reg. 4-B. Pormal na inireklamo ni Tolentino ang OIC na umuukopa sa kanyang iniwanang puwesto na si Lydia S. Lopez ng kasong "grave misconduct, gross incompetence, conduct prejudicial to the best interest of the service" na ayon kay Engr. Tolentino ay nakabitin pa hangga ngayon.

Si Tolentino ay lisensyadong geodetic engineer. Noong Agosto 30, 2005 pinaberipika niya at pinaaprobahan ang survey plan para sa kanyang kliyenteng si Ismael Moreno sa DENR Reg. 4-B. Ang nag-aproba ay si OIC Lopez pero inalis diumano ang pangalang Ismael Moreno at pinalitan ng "public land". Noong Setyembre 2005, ibinalik ni Tolentino ang sepia copy kay Lopez para mailagay sa pangalan ni Moreno ang survey plan. Tumanggi si Lopez at tinuran diumano ang ilang probisyon ng alituntuning nagsasaad na di puwede ang hinihiling ni Tolentino.

Direktang sumulat si Tolentino sa Reg. Director ng DENR para sabihin ang maling interpretasyon ni Lopez at iginiit na maituwid ang pagkakamali sa plano. Hiningi rin ni Tolentino ang opinyong legal ng Land Management Bureau at DENR legal office na kapwa sumang-ayong nagkamali ng interpretasyon si Lopez. Sa kabila nito, nagmatigas diumano si Lopez na huwag baguhin ang plano kaya itinaas na ni Tolentino ang reklamo sa Civil Service Commission.

Ngunit noong Aug. 23, 2006, sa halip na umaksyon ang CSC, ipinasa muli ng ahensya ang reklamo ni Tolentino sa DENR. Ta-nong ni Tolentino, DENR ang kinukuwestyon sa uusapin, bakit ito ang hihingan ng aksyon?

"Di ba CSC ang takbuhan ng mga naaapi sa mga isinasagawang transaksyon sa pamahalaan?" ani Tolentino. "Alam naman nating ang padrino ng mga nasa regional office ay nasa central office, paano natin maasahang magtatamo tayo ng hustisya?" tanong ni Tolentino.

Mara-ming ganitong situwasyon sa pamahalaan. Kung sino ang inirereklamong ahensya ay siya pang inuutusang umaksyon sa usapin. Dahil diyan, maraming mamamayang may problema sa gobyerno ang napagkakaitan ng katarungan. Sana’y mabigyan ng karampatang hustisya ang kasong ito.

Email me at
[email protected]

CIVIL SERVICE COMMISSION

ELPIDIO TOLENTINO

ISMAEL MORENO

LAND MANAGEMENT BUREAU

LAND SECTOR

LILIA TOLENTINO

LOPEZ

LYDIA S

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with