^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga guro ang may problema

-
MAHINA ang kalidad ng edukasyon ngayon. Ang katibayan ay nakikita sa mga estudyante sa elementary at high school na hindi marunong magsalita ng English at mapurol sa Math at Science. Sa mga ginawang pagsusulit sa Grade 6 students para makatuntong sa high school, nakadidismaya ang resulta. Kakaunti lamang ang maaaring mag-high school. At mas lalong nakadidismaya ang resulta ng exams sa fourth year high school para sila makapag-college. Masyadong mababa. Kaya may nagpanukalang ibalik ang National College Entrance Examination (NCEE) para malaman kung maaaring makakuha ng apat na taong course ang estudyante o hindi.

Ang estudyante ang laging nahahagupit kapag mababa ang kanilang ipinakikitang performance. Ang mga estudyante ang tanging bobo at walang alam. Wala nang iba pa.

At ang ganitong pag-aakala ay isang malaking kamalian. Sa halip na ang estudyante ang sisihin ay bakit hindi pag-ukulan ng pansin ang kakayahan ng mga guro. May sapat bang kakayahan ang mga guro sa pagtuturo ng English, Science at Math? Mayroon ba silang kasanayan para ganap na maipaliwanag sa kanilang mga estudyante ang kanilang itinuturo. O wala silang alam at kakayahan sa propesyong pinasok.

Nakaaalarma ang sinabi ni House Deputy majority leader Eduardo Gullas na 19 sa 100 guro ang may kasanayan sa subject na English. Sinabi pa ng mambabatas na maraming guro ang walang alam sa Math at Science.

Ang nakaaalarmang balita tungkol sa mga guro na walang alam sa English, Math at Science ang naging daan para maglaan ang gobyerno ng P940-milyon para hasain ang mga "bopol" na guro. Tinatayang nasa 50,000 guro sa publikong paaralan ang hahasain sa susunod na taon. Ang 50,000 guro na hahasain sa English, Science at Math ay hiwalay pa sa 25,000 guro na kasalukuyang sumasailalim na sa "service training".

Maganda ang planong ito para sa mga guro. Sila ang nararapat hasain. Kung magkakaroon na sila ng sapat na kasanayan sa English, Science at Math, malaki ang posibilidad na magkaroon na ng kalidad ang edukasyon sa Pilipinas. Wala na marahil Grade 6 at fourth year high school na mangangamote sa achievement test.

EDUARDO GULLAS

ENGLISH

ESTUDYANTE

GURO

HOUSE DEPUTY

NATIONAL COLLEGE ENTRANCE EXAMINATION

PARA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with