^

PSN Opinyon

NAIA Terminal 3 sa gobyerno na!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MASAYA si Efren "Bata" Reyes dahil nasungkit niya ang US$500,000 matapos siyang tanghalin bilang World Champion sa billiard.

Sabi ni Bata, ang pitsang napanalunan niya ay ipagagawa niya ng bagong haybol at hahati-hatiin niya ang kanyang price sa mga anak.

Ito ang pinakamalaking pitsa na nakuha ng isang Noypi sa larangan ng billiard. Mabuhay ka, Bata!

Ang isyu, nagtatalunan sa tuwa ang mga taga-Manila International Airport Authority maging ang madlang people nang ilipat ang writ of possession sa gobyerno. Sabi nga, hurray!

Personal na iniabot ni MIAA bossing Al Cusi ang tseke ng Landbank kay Pasay City Regional Trial Court Judge Jesus Mupas at pagkatapos ay ipinasa ito kay Vic Cheng Yong, ang panggulo, este mali, pangulo pala ng PIATCO.

Sabi nga, ang gobyerno ngayon ang magpapatakbo ng Terminal 3.

Sa 2007 ito inaasahang buksan sa publiko para magamit ang masyadong kontrobersyal na paliparan.

Matapos magbigay ng downpayment ang MIAA sa PIATCO maaari na nilang umpisahan ang gawaan todits dahil marami pa ring mga naiwang gawain sa nasabing terminal complex.

Ayon sa asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang pala P3 billion ang pitsang dapat ibayad ng gobyerno sa PIATCO kundi mas malaki pang halaga ang naiwang pitsang pinag-uusapan. Sabi nga, downpayment pa lang ang P3 billion!

Dahil sa tuwa, inabisuhan ni Al ang lahat ng concessionaries kabilang ang Airlines Operators Council, Duty-Free Philippines, Bureau of Customs, Bureau of Immigration, VQS at marami pang iba para maghanda sa paglipat sa Terminal 3 next year.

Kailangan munang kumpunihin at inspeksiyuning mabuti ang airport dahil tatlong taon itong nakatiwangwang! Sabi ni Al, ipinagbigay-alam nila sa International Chamber of Commerce Arbitration Tribunal sa Singapore at International Center for Settlement of Investment sa US of A tungkol sa ginawa nilang pag-pay sa PIATCO.

"May pitsa pala ang gobyerno?" sabi ng kuwagong Kotong cop.

"Naku alaws ito dahil ang pitsa ay galing sa pondo ng MIAA," sagot ng kuwagong maninisip ng tahong.

"Huwag na nating pahabain pa ang isyu basta ang importante napunta na sa gobyerno ang NAIA Terminal 3".

"Korek ka diyan, kamote!"

AIRLINES OPERATORS COUNCIL

AL CUSI

BATA

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF IMMIGRATION

DUTY-FREE PHILIPPINES

INTERNATIONAL CENTER

INTERNATIONAL CHAMBER OF COMMERCE ARBITRATION TRIBUNAL

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with