Kung may pangil si Varilla bakit me jueteng na naman sa Metro Manila
September 10, 2006 | 12:00am
MAY pangil pala si NCRPO chief Dir. Reynaldo Varilla. Kasi nga mula nang umupo siya noong Agosto 14 sa NCRPO, umabot na sa 37 rogue cops ang napa-dismiss niya sa serbisyo at marami pang iba ang naparusahan bunga sa ibat ibang kaso. Kung matigas ang dibdib ni Varilla laban sa mga tiwaling pulis, aba may puso rin siya at damdamin nang ipawalang bisa naman niya ang kaso laban naman sa 255 na pulis na ang mga reklamo ay walang katuturan o katotohanan nga. Kaya tama lang ang warning ni Varilla sa mga natitirang tiwaling pulis sa lansangan na magbao na sila ng direksyon sa buhay nila dahil walang sasantuhin ang programa niya para maiballik ang tiwala ng sambayann sa kapulisan lalo na sa Metro Manila. Itong mga hakbangin pala ni Varilla ay alinsunod sa kautusan ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon na lipulin ang mga tiwaling pulis lalo na yaong sangkot sa kasong extortion para hindi na sila pamarisan pa. He-he-he! Sana walang pinipili ang kampanya ni Calderon, di ba mga suki?
Kaya ako nag-aalangan mga suki dito sa pangil ni Varilla dahil ang mga taong malapit sa kanya tulad nina alyas Django at Villacorta ay nakakaligtas sa mga Honesty teams niya. Sina Django at Villacorta kasi ang umiikot sa ngayon sa Metro Manila para kausapin ang mga gambling lords, lewd shows operators at iba pang may illegal para ikolekta ng lingguhang intelihensiya ang opisina ni Varilla. Ang balita ko sa MPD mga suki, si Django ay isang sibilyan samantalang si Villacorta ay aktibong pulis. Ngayon para maniwala ang Metro Manilans na seryoso si Varilla na linisin ang pulisya ng rogue cops, aba dapat unahin niyang sibakin si Villacorta. Kasuhan din niya si alyas Django at tiyak titigil na siya sa kaiikot niya. Madali lang namang mahuli itong sina Django at Villacorta, Gen. Varilla Sir dahil palagi silang nakikitang kasama nina Cols. Boy Vano at Benjie Santos, anang taga-MPD. Kalat kasi sa MPD na sina Vano at Santos ay mga bata ni Varilla.
Kung may pangil nga si Varilla, bakit nagsulputang muli ang jueteng sa Metro Manila? Hindi takot ang mga operators na sina Tepang at alyas Perry Mariano at Togo Francisco kay Varilla? Noong nakaraang linggo kasi, nakahuli ang taga-RISOO ng 19 katao habang bumobola ng jueteng sa area ng QCPD at sina Tepang, Perry Mariano at Togo Francisco ang itinuturong nasa likod ng operation ng jue-teng doon. Di ba si Mariano rin ang nasa likod ng malawakang operation ng video karera sa QCPD? May naririnig akong Perry Mariano mga suki, yaon bang ang negosyo ay mga beerhouse at benefactor pa ng mga billiard players natin. Iisa kaya ang Perry Mariano na tinutukoy na nasa likod ng jueteng at video karera opera-tions sa QCPD? Nasa kamay ni Gen. Varilla ang kasagutan mga suki, he-he-he! Doble kara pala itong si Mariano. Sa kampan-ya ni Varilla laban sa rogue cops, aba susuporta tayo diyan mga suki. Pero para wa- lang alinlangan ang pagtulong natin sa kanya, dapat unahing sakalin ni Varilla itong sina alyas Django at Villacorta nga. Siyempre, isunod na ni Varilla sina Tepang, Perry Mariano at Togo Francisco para wala ng balakid o alingasngas ang kampanya niya laban sa rogue cops at jueteng nga.
Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended