Magkaroon ng leksiyon sa darating na eleksiyon
September 5, 2006 | 12:00am
WALONG buwan na lamang at eleksiyon na kaya hindi na mapakali ang mga interesadong humawak ng kapangyarihan at ang iba naman ay yung mga nais magkamal ng salapi sa pamamagitan ng korapsiyon. Ang Pilipinas ang isa sa mga pinaka-corrupt na bansa sa mundo.
Kaya nagkakaganito ang Pilipinas ay dahil sa mga taong inihahalal ng taumbayan. Mga pulitikong ang iniisip ay ang pansariling interes. Magpayaman at hindi ang ipinangako noong kumakandidato na paglilingkuran ang mamamayang Pilipino. Kaya, ang taumbayan ang dapat sisihin kaya nagkakaletse-letse ang Pilipinas.
Walong buwan na lamang at masusubukan na naman ang isipan ng mga Pinoy. Tiyak may mga walanghiya na ibibenta ang kanilang boto sa murang-murang halaga lamang. May mga kandidatong mamamakyaw na naman ng boto.
Napapansin ko na may mga pumuporma na upang kumandidato. Walang tigil ang labas sa diyaryo, radyo at telebisyon. Panay ang banat nila kay President Arroyo upang pansinin ng media. Ang iba ay panay ang press release na naghahain ng mga magagandang panukala na magugustuhan ng taumbayan. Nagsisimula na silang magpapogi.
Tanungin ang sarili. May nagawa bang ang mga ibinoto nyo lalo na ang mga sikat na artista? Matuto na kayo. Piliin ang mga tunay na gagawa ng mabuti. Iwasan nang iboto ang mga taong pansarili lamang ang iniisip.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended