^

PSN Opinyon

Iwasang magka-tigdas ang inyong anak

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG tigdas ay hatid ng virus at karaniwang tumatama sa mga bata. Nakahahawa ito kaya dapat ihiwalay ang may tigdas sa mga kasambahay.

Ang mga sintomas ng tigda ay ubo, sipon, lagnat, nagluluha at namumulang mga mata. Tatlo hanggang limang araw mamumula ang mga mata at dumarami ang mga rashes sa mukha at buong katawan. Sa ika-anim na araw ay mawawala na ang mga rashes at magsisimulang mabakbak ang balat.

Parating punasan ng bimpo para maginhawahan ang may tigdas. Suutan sila ng manipis na damit at huwag kumutan ng makapal na tela. Laging painumin ng tubig at nang hindi matuyuan ng pawis. Pagpahingahing mabuti at iwasang mabinat. Huwag munang papasukin sa school para hindi mahawa ang kanyang mga kaklase.

Pabakunahan ang sanggol pagsapit ng siyam na buwan. Kung wala pang bakuna ang mga batang may isa hanggang limang taong gulang pabakunahan sila. Libre ang bakuna sa tigdas sa health centers.

HUWAG

LAGING

NAKAHAHAWA

PABAKUNAHAN

PAGPAHINGAHING

PARATING

SUUTAN

TATLO

TIGDAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with