Di ka nag-iisa
August 27, 2006 | 12:00am
(Handog kay dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino)
Di ka nag-iisa
Sa iyong layuning ang bayay lumaya
sa kuko ng mga taong dambuhala;
Ikaw ay umuwing may dakilang nasa
at hindi natakot buhay may mawala!
Di ka nag-iisa
Ang sugat ng pusoy masakit sa amin
kaya nang sa tarmac ikaw ay patayin
Kami ay umiyak at ang luha namin
Umagos sa bansat lumunod sa taksil!
Di ka nag-iisa
Sa iyong rebultoy aming nakikita
na may dalwang kawal na iyong kasama;
Yaoy pangitaing bayay luluha pa
pagkat pinapatay kahit walang sala!
Di ka nag-iisa
Sa iyong adhikang ang bansay hanguin
sa malubhang dusang nasadlakan natin;
Kaya ang damit mo nang itoy hubarin
naligo sa dugo na dugo rin namin!
Di ka nag-iisa
Sa kabayanihang ginawa sa bansa
kung kaya kay daming sa martsay sumama;
Sa mga yapak moy may kasamang iba
ang iyong ehemplo ang sinundan nila!
Di ka nag-iisa
Mayamat mahirap ay iyong minahal
kaya pumanaw kang sa amiy patnubay;
Kung buhay ka ngayon ang pag-asay buhay
walang teroristang sa amiy papatay!
Di ka nag-iisa
Ngayoy hinahanap ang talim ng diwa
na kung naririto kami ay sagana;
Walang magnanakaw - walang mandaraya
baka pangulo kang idolo ng bansa!
Di ka nag-iisa
Sa iyong libingay kasama ang bulong,
ang dasal, ang hibik at mga panaghoy;
Sa pag-iisa mo ang palaging tanong:
may isa pa kayang katulad mo ngayon.
Di ka nag-iisa
Sa iyong layuning ang bayay lumaya
sa kuko ng mga taong dambuhala;
Ikaw ay umuwing may dakilang nasa
at hindi natakot buhay may mawala!
Di ka nag-iisa
Ang sugat ng pusoy masakit sa amin
kaya nang sa tarmac ikaw ay patayin
Kami ay umiyak at ang luha namin
Umagos sa bansat lumunod sa taksil!
Di ka nag-iisa
Sa iyong rebultoy aming nakikita
na may dalwang kawal na iyong kasama;
Yaoy pangitaing bayay luluha pa
pagkat pinapatay kahit walang sala!
Di ka nag-iisa
Sa iyong adhikang ang bansay hanguin
sa malubhang dusang nasadlakan natin;
Kaya ang damit mo nang itoy hubarin
naligo sa dugo na dugo rin namin!
Di ka nag-iisa
Sa kabayanihang ginawa sa bansa
kung kaya kay daming sa martsay sumama;
Sa mga yapak moy may kasamang iba
ang iyong ehemplo ang sinundan nila!
Di ka nag-iisa
Mayamat mahirap ay iyong minahal
kaya pumanaw kang sa amiy patnubay;
Kung buhay ka ngayon ang pag-asay buhay
walang teroristang sa amiy papatay!
Di ka nag-iisa
Ngayoy hinahanap ang talim ng diwa
na kung naririto kami ay sagana;
Walang magnanakaw - walang mandaraya
baka pangulo kang idolo ng bansa!
Di ka nag-iisa
Sa iyong libingay kasama ang bulong,
ang dasal, ang hibik at mga panaghoy;
Sa pag-iisa mo ang palaging tanong:
may isa pa kayang katulad mo ngayon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended