^

PSN Opinyon

Pinoy nurses naeskandalo na!

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
EWAN ko kung bakit masyado nang pinata- tagal ang usapan sa nursing licensure examination scam. Turuan nang turuan at marami nang mga umeentra sa eksena. May sapat namang katibayan na nagkaroon ng leakage ay kung bakit pinatatagal pa.

Habang hindi nabibigyan ng aksyon ang eskandalo lalo namang nababaon ang reputasyon at integridad ng nursing profession. Lahat ng nurses ay apektado ma-bago o luma.

Marami ang umangal sa unang naging desisyon ng Professional Regulation Com- mision at Nursing Board na payagan nang mag-oathtaking ang mga pumasa kahit wala pang pormal na resulta ang imbestigasyon.

Kung palpak ang aksyon ng mga opisyal ng PRC at Nursing Board, dapat nang pakialaman ni President Arroyo ang kaguluhang ito. Image ng Pilipinas ang nasisira dahil sa kabulastugan ng ilang matataas na opisyal ng pamahalaan. Bigyan na kaagad ng tuldok ang bagay na ito upang mabawi na ang nabahirang kredibilidad ng nursing profession.

May natanggap akong mga balita na buma-gal ang pagkuha ng ibang bansa sa mga Pinoy nurses na galing sa Pilipinas. Pati raw mga matatagal nang mga Pilipino nurses na nag-aaply sa bagong trabaho ay masusi nang sumasailalim sa mahigpit na background check.

Sa mga lider ng nursing profession, tigilan na ninyo ang pagdadrama, magkaisa na kayo para maisalba ang propesyon. Makipagtulungan kayo sa pamahalaan. Tigilan na ang satsatan, aksyon ang kailangan!

BIGYAN

HABANG

LAHAT

MAKIPAGTULUNGAN

NANG

NURSING BOARD

PILIPINAS

PRESIDENT ARROYO

PROFESSIONAL REGULATION COM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with