Hindi saklaan kundi droga ang puntirya ni NCRPO chief Varilla
August 23, 2006 | 12:00am
PAGKAUPO ni NCRPO chief Dir. Reynaldo Varilla ay biglang nagsarahan ang mga naglipanang saklaan sa lahat ng sulok ng Divisoria sa Maynila. Pero hindi ang saklaan ang puntirya dito ni Varilla kundi droga, anang mga kausap ko sa Manila Police District (MPD). Alam yan tiyak ni alyas Lito o Bombay, di ba mga suki? Kasi nga, ang financier pala ng saklaan sa Divisoria na retiradong pulis na si Robles ay may ka-live-in na droga ang linya. Kaya pala malakas ang loob ni Robles na pumasok sa illegal na negosyo eh walang tigil ang tulo ng gripo niya. Ika nga, drug money pala ang kapital niya kayat mahaba ang pisi niya, anang taga-MPD. Kaya sa ngayon, lie low muna itong si Robles habang ang ka-live-in niya ay hinahanting ng mga tauhan ni Varilla. Mukhang nasa tamang direksiyon itong si Varilla dahil ang pagtugis niya sa live-in ni Robles ay alinsunod sa pangako niya na lilipulin niya ang droga sa Metro Manila, he-he-he! Suportahan natin si Varilla sa kampanya niya laban sa droga, di ba mga suki? Sa pagsasara naman ng negosyo ni Robles, ang naiwang malungkot ay itong bagman niya na si alyas Yakusa, ayon sa taga-MPD. Si Yakusa kasi ang nagbibigay ng lingguhang intelihensiiya sa MPD, NCRPO, DILG, CIDG at iba pang unit ng pulisya natin.
Pero panandalian lang itong kalungkutan ni Yakusa. Usap-usapan sa MPD na may taga-CIDG at mga alipores niya na naglalakad sa ngayon para makopo o mapalitan kaagad si Robles ng financier ng sakla na si Ely Mango ng Malabon. Sa lahat ng sakla financier sa Metro Manila, itong si Ely Mango ang napupusuan ng taga-CIDG. Ewan ko lang kung may alam dito si Lito o Bombay. Kaya sa tingin ko, sa isang linggo lang, eh mapupuno na naman ng saklaan ang lahat ng sulok ng Maynila dahil kay Ely Mango. At tiyak, happy na naman si Yakusa at ang mga kolektor ng intelihensiya ng MPD, NCRPO, CIDG, DILG at iba pang unit ng pulisya natin.
Kung sabagay, hindi na sasama ang loob ni Robles niyan dahil itong mga puwesto niya ay inagaw lang niya kay Jose Sengco alyas Pinggoy. Si Pinggoy kasi ay namuhunan na rin sa saklaan sa Divisoria noon subalit nasulot ni Robles dahil tinaasan niya ang lingguhang intelihensiya sa mga alaga niya sa NCRPO at CIDG. Alam yan nina Pandak at Arnold. Pero itong sina Pandak at Arnold ay nakagarahe sa ngayon dahil sa bistado na ng mga amo nila ang panghaharabas nila sa kalye. Nang bitiwan niya ang saklaan sa Divisoria, halos P500,000 na rin ang nawala sa kaban ni Sengco alyas Pinggoy. Pero tulad ni Yakusa, hindi rin tumagal ang kalungkutan ni Pinggoy. Sa ngayon kasi, itong si Pinggoy na ang kapitalista ng saklang puwesto piho at sakla patay sa Valenzuela City. Si Sengco ay taga-Navotas pero mukhang mala-kas ang kapit niya sa City Hall ng Valenzuela City. Kaya pala nasu- lot itong si Pinggoy sa Divisoria, eh ganun din ang gawain niya. Sa Valenzuela City naman, ang sinulot ni Sengco ay itong sina Backy Melencio at Rey Garda, na ang laban ay leegan o bangkang patyo. Ang ibig sabihin niyan mga suki dayaan itong bangka nina Melencio at Garda na kahit ano pa ang gagawin ng mga mananaya ay wala silang panalo. At babantayan natin mga suki kung anong klaseng gimik naman meron itong si Sengco o Pinggoy. Susundan kaya ni Pinggoy ang yapak nina Melencio at Garda?
Abangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 10, 2024 - 12:00am