Lagi silang mumultuhin ng katotohanan
August 19, 2006 | 12:00am
LUBOS na nagbubunye ang Malacañang sa muling pagpatay ng kanilang mga kaalyadong kongresista sa Committee on Justice? ng impeachment case na hinain laban kay Madam Senyora Donya Gloria.
Abot tenga ang ngiti ni Madam Senyoa Donya Gloria at kanyang mga galamay, kasama na si House Speaker Jose de Venecia sa muli nilang tagumpay sa pagbabaon ng katotohanan at kasamaan.
Kagaya ng dati, hirit ni Madam Senyora Donya Gloria: "Lets finally leave this issue behind ang close ranks to meet the pressing tasks and challenges that we as a nation need to face together."
Pero papaano tayo haharap sa kinabukasan at magnais na uunlad kung hindi natin aayusin ang kasalukuyan. Kailangan natin munang ayusin ang mga pagkakamali, pagdusahan ang mga kasalanan bago tayo mag-move on.
Of course pagpipilitan ng mga kakampi, kaalyado, kapartido at katsokaran niya na nag-"Im sorry" na naman siya. Sapat na ba yun, considering na hindi naman niya inamin ang buong katotohanan at hanggang sa araw na ito ay pilit pa rin nilang nililibing ang katotohanan. Tsaka ang pagpapatawad ay dapat manggaling sa sambayanan.
Puwera pa rito ang puna ng karamihan kasama na ako na walang pagsisisi sa administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria bagkus lalo pa silang lumalala sa kanilang pang-aabuso sa sambayanan komo alam nila na kaya nilang gawin lahat bastat nasa patuloy nilang nababayaran at nasusuhulan at nakakakutsaba ang matataas na opisyal ng military at pulis, mga kaalyadong kongresista na pinagbibigyan nila ng pondo at ultimo mga Obispo na nakuha nila sa ilampung libong piso lamang.
Masakit pa nito, ang pinambabayad nila sa mga taong ito na pinagbili na ang kanilang mga prinsipyo at kaluluwa ay galing sa kaban ng bayan. Sa madaling salita, GINIGISA TAYO SA SARILING MANTIKA.
Ni konting pagsisisi ay wala kang makikita kay Madam Senyora Donya Gloria at kanyang mga kampon, bagkus ang pinakikita nila ay pagyayabang at patuloy na panunupil at pagpapahirap sa sambayanan at panloloko sa lahat ng Pilipino.
Patunay dito ang kanyang SANA speech at muli ay ang kanyang panawagang magkaisa upang umunlad.
Mga panloloko pero bulok na paraang kanilang ginagawa upang manatili sa ninakaw na puwesto.
Kung nais talaga ni Madam Senyora Donya Gloria na paniwalaan siya ng sambayanan ay payagan niya mailabas ang mga ebidensiya na nakalagay sa pitong kahon na inihain ng mga minority congressmen. Pabayaan niya na sambayanan ang maghusga.
Atasan niya ang kanyang mga kaalyado sa kongreso na lahat naman tumatanggap ng malalaking halagang mga "proyekto" mula sa kaban ng bayan na payagang ihain ang mga ebidensiya sa plenaryo. Kung wala silang tinatago gaya ng sinasabi ng Malacañang at mga kaalyado nila, patunayan nila.
Hindi matatahimik ang isyu at hindi matitigil ang gulo hanggang patuloy nilang ililibing ang katotohanan. Ilang beses man nila itong patayin, muli itong mabubuhay upang multuhin sila.
Sumama ho ako sa KONSULTAHANG BAYAN ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson na ginanap sa Sampaloc, Manila kung saan marami ang dumalo upang personal na makausap ang senador na mas kilala sa nagpatigil ng kotong sa kapulisan at nagpababa ng krimen sa buong bansa.
Ang mga suliraning dinulog sa kanya ay problema rin ng sambayanan pero madaling bigyan ng solusyon basta titiyakin lamang na mababawasan ang graft and corruption ng kahit na 50 percent lang.
Natuklasan ko rin sa naturang meeting na buhay na buhay na naman muli ang mga pangongotong sa mamamayan pero ngayon ay hindi lamang mula sa mga corrupt na police kung hindi sa ilang mga opisyal ng barangay na mahilig mag-birthday pero nais namang "ipaghanda" ng mga tricycle at jeepney drivers at mga nakatira sa nasasakupan nila.
Bagamat maliit tingnan ang ganitong problema dahil very common na ito at barya-barya lang ito kung ikukumpara sa nakawan sa national level, kailangan itong sugpuin dahil direkta at agarang nagpapahirap ito sa masang Pilipino.
Problema lamang nito, paano aaksyon ang local leaders lalo na at kakampi, kaalyado at kapartido niya ang mga corrupt na barangay officials. Kagaya rin ng tanong ko lagi, paano didisiplinahin ng Malacañang ang mga corrupt na opisyal sa baba nito kung nakatulong ito sa kanila upang manatili sa puwesto.
Batiin ko nga pala si dating Konsehal Rogie dela Paz, Efren Adan, Tony Morales at Edwin Segovia, Art Briones, ilan sa mga nakausap ko sa naturang KUNSULTAHANG BAYAN. Sisikapin kong dumalo sa iba pang mga ganoong pagpupulong upang personal na makausap at malaman ang mga isyu sa kani-kanilang lugar.
Happy Anniversary din nga pala sa Programang Reaksyon sa DZEC, 1062. More power sa inyo at advance happy birthday sa pamangkin kong si Kevin.
Para sa anumang reaksyon o kumento, mag-e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09272654341.
Abot tenga ang ngiti ni Madam Senyoa Donya Gloria at kanyang mga galamay, kasama na si House Speaker Jose de Venecia sa muli nilang tagumpay sa pagbabaon ng katotohanan at kasamaan.
Kagaya ng dati, hirit ni Madam Senyora Donya Gloria: "Lets finally leave this issue behind ang close ranks to meet the pressing tasks and challenges that we as a nation need to face together."
Pero papaano tayo haharap sa kinabukasan at magnais na uunlad kung hindi natin aayusin ang kasalukuyan. Kailangan natin munang ayusin ang mga pagkakamali, pagdusahan ang mga kasalanan bago tayo mag-move on.
Of course pagpipilitan ng mga kakampi, kaalyado, kapartido at katsokaran niya na nag-"Im sorry" na naman siya. Sapat na ba yun, considering na hindi naman niya inamin ang buong katotohanan at hanggang sa araw na ito ay pilit pa rin nilang nililibing ang katotohanan. Tsaka ang pagpapatawad ay dapat manggaling sa sambayanan.
Puwera pa rito ang puna ng karamihan kasama na ako na walang pagsisisi sa administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria bagkus lalo pa silang lumalala sa kanilang pang-aabuso sa sambayanan komo alam nila na kaya nilang gawin lahat bastat nasa patuloy nilang nababayaran at nasusuhulan at nakakakutsaba ang matataas na opisyal ng military at pulis, mga kaalyadong kongresista na pinagbibigyan nila ng pondo at ultimo mga Obispo na nakuha nila sa ilampung libong piso lamang.
Masakit pa nito, ang pinambabayad nila sa mga taong ito na pinagbili na ang kanilang mga prinsipyo at kaluluwa ay galing sa kaban ng bayan. Sa madaling salita, GINIGISA TAYO SA SARILING MANTIKA.
Ni konting pagsisisi ay wala kang makikita kay Madam Senyora Donya Gloria at kanyang mga kampon, bagkus ang pinakikita nila ay pagyayabang at patuloy na panunupil at pagpapahirap sa sambayanan at panloloko sa lahat ng Pilipino.
Patunay dito ang kanyang SANA speech at muli ay ang kanyang panawagang magkaisa upang umunlad.
Mga panloloko pero bulok na paraang kanilang ginagawa upang manatili sa ninakaw na puwesto.
Kung nais talaga ni Madam Senyora Donya Gloria na paniwalaan siya ng sambayanan ay payagan niya mailabas ang mga ebidensiya na nakalagay sa pitong kahon na inihain ng mga minority congressmen. Pabayaan niya na sambayanan ang maghusga.
Atasan niya ang kanyang mga kaalyado sa kongreso na lahat naman tumatanggap ng malalaking halagang mga "proyekto" mula sa kaban ng bayan na payagang ihain ang mga ebidensiya sa plenaryo. Kung wala silang tinatago gaya ng sinasabi ng Malacañang at mga kaalyado nila, patunayan nila.
Hindi matatahimik ang isyu at hindi matitigil ang gulo hanggang patuloy nilang ililibing ang katotohanan. Ilang beses man nila itong patayin, muli itong mabubuhay upang multuhin sila.
Ang mga suliraning dinulog sa kanya ay problema rin ng sambayanan pero madaling bigyan ng solusyon basta titiyakin lamang na mababawasan ang graft and corruption ng kahit na 50 percent lang.
Natuklasan ko rin sa naturang meeting na buhay na buhay na naman muli ang mga pangongotong sa mamamayan pero ngayon ay hindi lamang mula sa mga corrupt na police kung hindi sa ilang mga opisyal ng barangay na mahilig mag-birthday pero nais namang "ipaghanda" ng mga tricycle at jeepney drivers at mga nakatira sa nasasakupan nila.
Bagamat maliit tingnan ang ganitong problema dahil very common na ito at barya-barya lang ito kung ikukumpara sa nakawan sa national level, kailangan itong sugpuin dahil direkta at agarang nagpapahirap ito sa masang Pilipino.
Problema lamang nito, paano aaksyon ang local leaders lalo na at kakampi, kaalyado at kapartido niya ang mga corrupt na barangay officials. Kagaya rin ng tanong ko lagi, paano didisiplinahin ng Malacañang ang mga corrupt na opisyal sa baba nito kung nakatulong ito sa kanila upang manatili sa puwesto.
Happy Anniversary din nga pala sa Programang Reaksyon sa DZEC, 1062. More power sa inyo at advance happy birthday sa pamangkin kong si Kevin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest