^

PSN Opinyon

Loteng nabili, binawi ng developer

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
BUMILI si Leo ng 286 square meters na lote sa isang subdivision sa Pasig City na pagmamay-ari ng PDRC. Sa ilalim ng contract to sell, ang kabuuang halaga ng lote ay P189,810 at mababayaran ito ng installment. Nagbayad agad si Leo ng P45,506 bilang down payment at nag-isyu ng 10 tseke na P5,000 pabor sa PDRC samantalang ang balanseng P144,103.60 na may interes na P3,898.48 kada buwan ay nagsimula noong June 18, 1987. Subalit maliban sa naunang tseke na inisyu ni Leo, lahat ay tumalbog dahil sa kakulangan ng pondo.

Noong May 27, 1988, hiniling na lamang ng PDRC na makipag-ayos si Leo kung saan dapat bayaran nito ang natitirang hulog pati na ang interes na umabot na sa P46,781.76, simula June 18, 1987 hanggang May 18, 1988. Subalit matapos makapagbigay si Leo ng P10,000, hindi na ito muling nagbayad. Kaya, noong January 18, 1989, sa pamamagitan ng isang registered mail, ipinaalam ng PDRC kina Leo at sa mga anak nito ang paggamit ng PDRC ng opsyon na kanselahin ang contract to sell at mapawalang-bisa ang halagang naibayad nina Leo. Naging epektibo ang abiso ng PDRC 30 araw matapos matanggap nina Leo ang registered mail (Section 4 ng R.A. 6552 at paragraph 6, contract to sell). Nang hindi nakabalik ang registry receipt, personal na inabisuhan ng PDRC sina Leo.

Lumipas ang dalawang taon hanggang hilingin na ng PDRC kina Leo na lisanin na nito ang lote upang tumira ang bagong nakabili nito. Tumanggi si Leo at kinuwestiyon niya ang naging aksyon ng PDRC sa Housing Land Use and Regulatory Board (HLURB). Ayon kay Leo, itinigil nila ang paghuhulog dahil hindi raw natapos ng PDRC ang nasabing subdivision kung kaya nararapat lamang ang specific performance at damages laban sa PDRC. Subalit, matapos ang isang ocular inspection na isinagawa ng HLURB, napatunayang nadevelop naman ng PDRC ang subdivision.

Nadismis ang reklamo ni Leo. Ayon sa HLURB Arbiter, legal at mabisa ang pagkansela sa contract to sell pati na ang pagpapawalang-bisa sa mga naibayad na hulog ni Leo. Tama ba ang HLURB?

TAMA.
Sa kabuuang halaga ng lote na P189,810, ang nabayaran lamang ni Leo ay P60,506.40 na nangangahulugang 12 lamang ang nabayaran mula sa 60 monthly amortizations.

Ayon sa Section 4 ng RA 6552, kapag ang nabayarang hulog ay mas mababa sa dalawang taon, magagamit nina Leo ang 60 days grace period mula sa naitakdang petsa, upang bayaran ang amortization. At dahil hindi ito natupad nina Leo sa huling araw ng grace period, kinansela ng PDRC ang kontrata 30 araw matapos matanggap nina Leo ang abiso ng pagkakansela. Ayon din sa paragraph 6 ng kontrata, tama ang naging pagkansela ng PDRC sa kontrata at sa pag-angkin nito sa naibayad nina Leo. Tama ring ipagbili ang lote sa ibang taon dahil maituturing na walang kontratang naisagawa sa pagitan ng PDRC at nina Leo.

Wala ring proteksyong makukuha sina Leo mula sa PD 957 dahil na-develop naman ng PDRC ang subdivision (Delos Santos, etc. Court of Appeals, et.al. G.R. 147912, April 26, 2006).

AYON

DELOS SANTOS

HOUSING LAND USE AND REGULATORY BOARD

LEO

NINA

NOONG MAY

PASIG CITY

PDRC

SUBALIT

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with