Karayom, naiwan sa tiyan sa loob ng 2 taon!
August 18, 2006 | 12:00am
DUMULOG sa BITAG action center si Amalia Enrico, upang ilapit ang kakaibang reklamo. Dalawang taon na ang naiwang karayom sa loob ng kanyang katawan.
Ayon kay Amalia, inoperahan siya noong Hunyo 2004 ng doktor ng isang kilalang pampublikong ospital, at nitong mga nakaraang buwan, nakaramdam na siya ng pananakit ng ibat ibang parte ng katawan.
Kayat bumalik siyang muli sa naturang ospital upang magpakonsulta at dito nalaman na naiwan sa loob ng kanyang tiyan ang karayom.
Upang makumpirma ng BITAG ang reklamo ni Amalia, ipinasuri ng BITAG sa doktor ang kalagayan ng biktima.
Naipag-ugnayan ang BITAG sa tanggapan ni Sec. Francisco Duque ng Department of Health at kay Dr. Jose Sabili presidente ng Philippine Medical Association sila na mismo ang nagbigay ng pahayag sa BITAG na kapabayaan ng doktor ang pagkakaiwan ng karayom sa tiyan.
Subalit hindi ang DOH ang magre-regulate sa mga doktor dahil saklaw na ito ng Professional Regulation Commission o PRC dahilan para makipag-ugnayan ang BITAG sa PRC, katulad ng sa hukuman may proseso at imbestigasyong kailangan gawin bago mapatunayan kung dapat managot ang doktor na nag-opera.
May mga doktor na bopol, hindi karapat-dapat manggamot dahil walang sapat na kaalaman at training, sila yung mas nakakatakot dahil sa kanilang pagsasagawa ng operasyon.
Ngunit mayroon namang mahuhusay at marurunong, subalit ang pag-iingat at kalidad ng serbisyo ay wala sa kanilang bokabularyo, sila ang mga doktor na burara.
At ang ilan, maingat, pero dahil tao lamang, nagkakamali rin. Ngunit sinadya man o hin-di ng doktor ang kanyang kapabayaan, sa ilalim ng batas, maituturing pa rin itong kapabayaan.
Hindi trabaho ng BITAG ang humusga sa mga propesyonal tulad ng doktor at iba pa, layunin lamang na ilantad ang hubot hubad na katotohanan.
Ang kapabayaan ay pagkakamali may kaakibat na pananagutan, kung patuloy na magaganap ang ganitong pangyayari sa mga ospital, dadami ang mahuhulog sa BITAG ng kapabayaan ng ilang doktor.
Panoorin ang buong detalye at ang ginawang pag-iimbestiga ng BITAG sa kasong ito sa Sabado ng gabi alas-9:00 hanggang alas-10:00 ng gabi sa BITAG sa IBC 13.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended