^

PSN Opinyon

Wake-up call sa Ombudsman

- Al G. Pedroche -
DAPAT aksyonan nang maagap ni Ombudsman Merceditas Gutierrez ang reklamo ng katiwalian sa isang opisyal ng tanggapan. A person of moral rectitude like her should do this with dispatch para pangalagaan ang dangal ng kanyang pinamumunuang ahensya.

Hindi masisisi ang United States kung pagdudahan ang anti-corruption drive ni Presidente Arroyo bago ibigay ang go-signal sa pagre-release ng P1 bilyong ayuda sa pagsugpo ng katiwalian. Kunsabagay, nasa kaban na ng bayan ang tulong pinansyal. Pero ang instruksyon ng United States Agency for International Development (USAID) sa Department of Finance ay hintayin munang malinis ng Office of the Ombudsman ang bakuran laban sa lahat ng katiwalian bago i-release ang salapi. P2 bilyon ang kabuuang pondo. Ang aid na mula sa US ay tinumbasan ng pamahalaan ng panibagong P1 bilyon.

Ang Ombudsman ang taga-siyasat at taga-usig ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan. Ngunit kung ang impresyon dito’y pinaghaharian din ng katiwalian, natural na pagdudahan ito ng donor country.

Mismong mga kawani ng tanggapan ang umapela kay Ombudsman Merceditas Gutierrez na maagap nang aksyonan ang mga kaso ng katiwalian sa ahensya. Kasama sa mga kasong pinaaapura ay ang kay Deputy Ombudsman Orlando Casimiro na siyang in-charge sa mga tanggapan ng militar at mga law enforcement agencies.

Nag-email na sa atin si Casimiro para sabihing ito’y lumang paratang na isinampa noon pang isang taon na naaksyonan na diumano. Pero ayon sa mga insiders, wala pang malinaw na resulta ang imbestigasyon kay Casimiro.

Si Casimiro ay kaalyado umano ni ex-President Estrada na aspirante para pumalit diumano kay Overall Dep. Ombudsman Margarito Gervacio. Nauna siyang kinasuhan ni graft investigator Gilbert Bueno sa sinasabing "unexplained wealth". Ani Bueno, Setyembre pa last year nang isampa ang kaso pero wala pang aksyon, taliwas sa sinabi ni Casimiro sa kanyang email. Ayon kay Bueno, bigla na lang na-remand ang kaso sa Internal Affairs Bureau nang "walang due process."

Walang masama kung umaksyon ang Ombudsman sa kaso sa pamamagitan ng malalimang pagsisiyasat para palutangin ang totoo. Dapat pa ngang i-welcome ito ni Casimiro para malinis ang kanyang pangalan. Ang importante’y huwag mabalam ang paggalaw ng inilaang pondo, lalo na ang donasyon ng USAID sa pagsugpo ng katiwalian.

Email me at [email protected].

ANG OMBUDSMAN

ANI BUENO

CASIMIRO

DEPARTMENT OF FINANCE

DEPUTY OMBUDSMAN ORLANDO CASIMIRO

GILBERT BUENO

INTERNAL AFFAIRS BUREAU

INTERNATIONAL DEVELOPMENT

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIERREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with