^

PSN Opinyon

Iwasang mamaos ang boses

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
KADALASANG magkaroon ng tinatawag na hoarseness o abnormal voice changes. Mapupuna na bigla na lang namamalat at nahihirapang magsalita na dulot ng pangangati ng lalamunan, sipon at ubo.

Isa sa dahilan ng pamamaos ay ang acute laryngitis na dulot nang hindi gumaling-galing na sipon. Nakukuha rin ang pamamaos sa pagsisigaw lalo na kapag may kampeonato sa basketball at maging sa mga rock concerts.

Ang pamamalat at tuluyang pagkawala ng boses ay madalas na mararanasan ng mga radio-TV announcers at mga singers ayon kay Dr. Gil Vicente ng St. Luke’s Medical Center. Si Dr. Vicente ay laryngologist na espesyalista sa medical and surgical treatment ng tenga, ilong, lalamunan at maging sa mga suliranin sa ulo at leeg.

Payo ni Dr. Vicente na iwasan ang paninigarilyo para mapanatili ang boses. Payo rin naman niya sa mga non-smokers na lumayo sa mga naninigarilyo dahil mapanganib na malanghap nila ang usok ng sigarilyo. Iwasan ang sobrang pag-inom ng alak at kape at ang mga mamantika at makolesterol na pagkain. Hangga’t maaari, ayon kay Dr. Vicente na iwasan ang sobrang pagsasalita lalo na ang pagsigaw at pagtaas ng boses.

DR. GIL VICENTE

DR. VICENTE

HANGGA

ISA

IWASAN

MAPUPUNA

MEDICAL CENTER

PAYO

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with