^

PSN Opinyon

5 units ng Dream Satellite sa masungit na panahon

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
(Karugtong)
ANG dala naming isang unit na TV at Dream Satellite ay agad naming inabot kay Principal Romeo E. Estillore na sinaksihan ng ilang matataas na opisyales ng DepEd, Mr. George Cahapay, GPTA, Faculty president Mr. Gilmer Lagaret, mga guro at mga magulang. Matapos ang programa ay inanyayahan pa kaming kumain ng handa nilang mga masasarap na pagkain at mga bagong pitas na mga prutas. Gabi na ng kami’y nakaalis sa naturang paaralan dahil sa masayang kuwentuhan at balitaan.

Tulog manok ang aming dinanas ng mga sandaling iyon. Nakaidlip kami dakong 11:00 ng gabi at nagising naman ng 1:00 ng madaling-araw upang maghabol sa unang biyahe ng bus patungong Davao City, he-he- he! Puyat at panghahapdi ng sikmura ang aming dinanas. Ngunit nabaliwala ang lahat ng ito ng aming marating ang dalawang paaralan.

Mainit ang kanilang pagsalubong sa aming grupo. Ang Maa Central Elementary School ay naghanda pa ng malaking programa at sa katunayan ay nag-imbita pa ito ng mga matataas na opisyales ng DepEd sa buong Davao City at maging sa mga guro ng iba’t ibang bayan.

Ayon kay Principal Dionisio B. Lacerna "Napakabuti ng pamunuan ng Star Group of Publication na maghandog ng mga unit ng Dream Satellite sa mga mababang paaralan lalo’t higit sa aming lalawigan na makakatulong ng malaki sa makabagong pagtuturo sa mga kabataan. Salamat po Mr. Miguel Go Belmonte at sa Damayan Foundation."

Agad nang ginanap ang turnover na sinaksihan nina Gloria P. Labor, Ed D. Ceso V School Division Superintendent, Dioscora B. Villarin, District Supervisor, PTA President Josie E. Bacruya, mga guro, mga mag-aaral at mga magulang. Matapos ang turn-over ay agad nang sinimulan ang viewing sa mga kabataan kung kaya’t nagmistulang sinehan ang Library room ng Maa Central Elementary School.

Ang huling nabigyan ng Dream Satellite ay ang New Visayan Elementary School ng Panabo City. Masaya naman ang pagtanggap sa aming ng mga guro at mag-aaral sa naturang paaralan. Ang lahat ng hirap na aming dinanas mula Luzon, Visaya at Mindanao ay napawi dahil sa kabutihan ng loob nilang pagtanggap sa aming grupo.

Payo ko lamang sa mga naka-tanggap ng mga regalo mula sa Damayan Foundation ng Star Group of Publication na ingatan ninyo upang sa gayon ay mapakinabangan pa ng mga kabataan sa darating na panahon. At sana’y patuloy n’yong tangkilikin ang aming pahayagang The Philippine STAR, Pilipino Star NGAYON at PM PangMasa upang sa mga darating pang panahon ay higit pa ang maihahandog namin sa inyo.

Salamat po at mabuhay kayong lahat!

AMING

ANG MAA CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

CESO V SCHOOL DIVISION SUPERINTENDENT

DAMAYAN FOUNDATION

DAVAO CITY

DIOSCORA B

DREAM SATELLITE

STAR GROUP OF PUBLICATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with