Gerry Lantoria Ombudsman!
August 8, 2006 | 12:00am
NATUTUWA ang mga kuwago ng ORA MISMO at dehins sleeping ang Office of the Ombudsman regarding sa mga sinasabing corrupt government officials na pinagdududahan ng kanilang tanggapan. Sabi nga, matindihan sa kalkalan.
Last week inirekomenda ni Attorney Gerry Lantoria sa kanyang among si Chief Ombudsman Mercedetas Gutierrez na suspindihin sa kanilang work sina retired General Nestorio Gualberto at ang sinasabing super alalay na si Ely Abiog ng Bureau of Customs dahil sa umanoy katiwalian. Pero kailangan may due process.
Hindi raw naipaliwanag ng maganda ni Gualberto kung paano siya nagkaroon ng mga lupain at haybol sa isang place sa Batangas samantala, si Abiog ay dehins daw nagpa-file ng SAL may ilang years na ang nakakaraan. Sabi nga, problema talaga ito!
Gusto kasi ng government na honest ang kanilang mga employees para walang masabi ang madlang people na nagpapasahod sa mga toits.
Kilala ng Chief Kuwago si General Gualberto kaya nga nagtataka ako kung bakit ganito ang kinalabasan ng investigation ng Office of the Ombudsman. Sabi nga, impossible dreams.
Matagal na rin kakilala ng Chief Kuwago si Lantoria nasa ISAFP pa kasi si Attorney dati ng hinahangaan ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ating bida na dating crime buster pero ngayon ay graft buster na!
Hindi nabahiran ng katiwalian si Lantoria noong nakapuwesto pa siya sa military o kahit saang tanggapan ng gobyerno na pinasok niya. Ika nga, goodboy si Colonel!
Ang rekomendasyon ni Gerry kina Gualberto at Abiog ay may kabigatan kung mapapatunayan sabit sila sa katiwalian tiyak sibak sila sa kanilang trabaho at dehins makakakuha ng kahit singkong duling sa gobierno. Kaya lang ang butas este mali batas pala sa Pinas ay dapat may due process ang mga taong kinakasuhan.
Bakit ba sumabit sina Gualberto at Abiog sa Office of the Ombudsman? tanong ng kuwagong magsasaka.
Hindi kasi nila nakumbinsi sa kanilang paliwa-nag si Lantoria kaya ganoon, sagot ng kuwagong Attorney at large.
May kredibilidad ba si Lantoria? tanong ng kuwagong Kotong cop.
Naku ha! Itinanong mo pa hindi ito corrupt! sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Kaya pala panay ang build-up ng Chief Kuwago todits.
Kaya nga hindi ito mapalitan ni Chief Ombudsman dahil tiwala ang una sa ating bida.
Oo, kamote!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended