^

PSN Opinyon

Si SPO1 Prades ang nanalong kolektor ni Sr. Supt. Ric Padilla

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Si SPO1 Prades pala ang nanalo sa bidding ng mga kolektor ng lingguhang intelihensiya sa Southern Police District (SPD). Mula noong Lunes kasi, nag-ikot na si Prades sa mga operators ng pasugalan, putahan at mga bold show at sinabing siya na ang tangga ng intelihensiya ng opisina ni SPD director Sr. Supt. Ric Padilla. Ang balita, nagsumite ng listahan niya si Prades at mga kalaban niya at ang una ang nagwagi dahil mas malaki ang kanya. Umabot kaya sa P200,000 na pinaglalawayan ng mataas na opisyal ng SPD? Hindi ko alam dahil hindi ko naman nasilip ang listahan ni Prades.

Ang pangamba sa ngayon ng mga gambling lords at operators ng bold shows at putahan, baka abot-langit ang magiging intelihensiya nila dahil pipilitin ni Prades na abutin ang P200,000 na quota. Maliban pa riyan ang personal na lingguhan niya, he-he-he! Sobrang buwenas talaga si Prades, ’no mga suki? Matagal na ang pamamayagpag niya ah. Kung buwenas si Prades, aba sobrang buwenas lalo ni Ely Fontanilla, ang over-all collector ng intelihensiya ni CIDG director Dir. Jesus Versoza sa jueteng.

Kung si Prades kasi eh piyaet-piyaet lang ang lakad dahil wala namang jueteng sa SPD, si Fontanilla naman ay tiba-tiba dahil mas malaki ang intelihensiya sa jueteng. Kaya kapag natuloy ang impeachment laban kay President Arroyo, dapat ipatawag si Fontanilla dahil siya ang susi para mapatunayan na bukas na bukas ang jueteng sa ngayon. Dapat din sigurong kumbinsihin at gawing witness ni Lingayen-Dagupan Arch. Oscar Cruz si Ely Fontanilla tulad ng ginawa niya kay whistleblower Wilfredo ‘‘Boy’’ Mayor na may busal na ang bibig sa ngayon dahil sa royalty niya sa jueteng, he-he-he! Double kara pala si Boy Mayor. Lumalabas tuloy na pera-pera lang ang lakad niya, di ba mga suki?

Inaalam ko pa kung paano napadikit si Fontanilla kay Versoza sa PRO4-A. Kung ang CIDG ang bagman ng PNP chief, ibig sabihin niyan, si Fontanilla rin ang susi sa bulsa ni Dir. Gen. Oscar Calderon. Kaya mas buwenas si Fonta- nilla kesa kay Prades.

Sa ngayon naman, nagtayo ng Special Opera-tions Group (SOG) ang tropa ng Doberman ni Padilla na si Elmer Nepomuceno para suportahan si Prades. Sweet and sour ang lakad nila niyan tiyak. Ang ibig kong sabihin, kapag hindi pumayag ang ilegalista na itaas ang lingguhang intelihensiya, itong SOG ang uupak o mangri-raid. At maaari ring ang intelihensiyang makakalap ng SOG ay pandagdag din doon sa listahan ni Prades para makupo ang P200,000 weekly target ng SPD. Kaya si Nepomuceno ay magtatago sa likod ng SOG para hindi lumutang ang pangalan niya. Kasi nga, takot ang mga ilegalista ng SPD sa Doberman, he-he-he. Aamuyin kong maigi si Nepo- muceno.

At bunga sa kaliwa’t kanang pagpakilala, aba usap-usapan sina Prades at SOG sa kahit saang sulok ng SPD. Maging ang P200,000 weekly intelihensiya ay paksa rin ng usapan ng mga pulis sa Manila Police District (MPD). Sino ang source ng balita ko? ’Yan ang tanong na dapat arukin nina Prades at Doberman… este Nepomuceno. At tiyak, alam nila ang sagot diyan. Abangan!

vuukle comment

BOY MAYOR

DAHIL

ELMER NEPOMUCENO

ELY FONTANILLA

FONTANILLA

INTELIHENSIYA

KAYA

NIYA

PRADES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with