Cancers na tumatama sa mga bata
July 30, 2006 | 12:00am
(Huling bahagi)
NARITO ang pagpapatuloy ko ng mga cancer na tumatama sa mga bata.
Kapag may kidney cancer (tinatawag ding Wilms tumor) makararanas ng abdominal pain ang bata. Isang sintomas din ang pagkakaroon ng dugo sa kanyang ihi. Kapag ang cancer ay kumalat sa kanyang baga, uubuhin siya at dudura siya ng dugo. Makararanas din ang bata nang pagsisikip ng dibdib at mahihirapan siyang huminga.
Ang retinoblastoma o cancer sa mata ay isa sa mga cancer na tumatama sa mga bata. Bagamat bihira ang cancer na ito, napatunayan naman itong namamana at sinasabing ang mga matang may katulad ng sa pusa (cats eye reflex) ang madalas na tamaan ng cancer na ito.
Ang pamamaraan ng paggamot sa cancer ng mga bata ay paiba-iba. Idadaan sa laboratory tests, x-ray examinations, computerized tomography scan, magnetic resonance imaging at nuclear medicine procedures. Kukuha ng sample tissue (biopsy) sa pasyente. Mahalaga ang biopsy at dapat itong gawin kaagad sa mga batang may cancer. Kapag naisagawa na ang lahat nang nararapat dito na maaaring isagawa ang pagsasailalim sa operasyon, radiation theraphy a chemoptherapy.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am