^

PSN Opinyon

Binagyo ang Baguio

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Ano ba ang bagyo? Ito’y hangi’t ulan
Na kung dumarating ay halos sabayan;
May bagyong mahina -— gusto ng halaman
May bagyong malakas -— dala’y kamatayan!

May ilang araw nang panaho’y masama
Dahil sa may bagyong sa bansa’y tumama;
Malayo man ito’y lumikha ng baha
At mga landslide -— maraming sinira!

Sa Metro Manila at karatig-bayan
Lumihis ang bagyo pero nagpaulan;
Ang ulan ay higop ng hanging kanluran
At pabugsu-bugso pero magdamagan!

Mabababang pook ay agad binaha
Tanima’t lansangan ay biglang nawala;
Bahay ng squatters pagka’t mahihina
Sa agos ng tubig ay biglang nawala!

Binagyo ang Baguio at doo’y nawasak
Tahanan ng dukha at tahanang tanyag;
May mga lugar pang biglaang nawarak
May mga namatay -— libo ang umiyak!

At sa Baguio City ang sigwang dumating -—
Malakas na ulan, dambuhalang hangin;
Kaya ang landslide ay nagsapin-sapin
Kumitil ng buhay -— lunsod nagupiling!

Ang Laoag at Vigan sa Ilocos Norte
Mga pook itong sa ating history —
Mga tourist spot dinarayo lagi
Binagyo nang husto -— tao’y naturete!

Mga bahay doon at mga taniman
Winasak ng baha, ng hangin at ulan;
Mga ilog, sapa at mga palayan
Lumubog sa tubig -— naging karagatan!

Tayo ay magdasal ang bagyong marahas
Kung daraan dito tayo ay maligtas;
Sana kung babagyo ay hindi malakas
Upang itong bansa ay hindi maghirap!

ANG LAOAG

ANO

BAGUIO CITY

BINAGYO

DAHIL

ILOCOS NORTE

KAYA

SA METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with