^

PSN Opinyon

Mafia sa NFA! - Part 2

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
RICE diversion ang operasyon ng MAFIA sa National Food Authority na kinukunsinti ng mga bugok sa nasabing ahensiya. Halos lahat ng otar sa NFA ay kilala ang MAFIA. Sabi nga, mababagsik sila. Kaya naman nanggagalaiti sa galit ang ma-e-erap because of this.

Sangkatutak na atik ang kinita ng MAFIA sa NFA kaya naman para hindi sila masilat ng gobyerno, gumamit sila ng mga dummies sa kanilang mga nakatayong business. Mararangal silang tingnan pero mabantot pa sa ebak ang mga kaluluwa nila. Kahit si Satanas sa impiyerno ay dehins sila tanggapin kapag kinuha sila ni Kamatayan. Amen!

Alam ng mga kuwago ng ORA MISMO kung no-si sa MAFIA ang mga nagsosyo at kung no-si rin ang kanilang mga dummies. Simple lang ang operasyon pero malalim dahil halos lahat pati bantay ng gobyerno ay kasabwat sa anomalya. Sabi nga, everybody must be happy para alaws singaw!

Noong panahon ni dating Prez Erap nanagana ang MAFIA sa NFA dahil sa koneksyon nila sa itaas ng langit ang hindi lang alam ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung kasama nila sa happy moments si St. Peter. Pero tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO na hindi nakapatong ang dating panggulo, este mali, Pangulo pala sa operasyon ng nakawan at dayaan. Korek ka dyan, kamote!

Ang mga operators ng MAFIA sa NFA ay mga mayayamang Filipino-Tsekwa samantala ang think tank ay isang Noypi na nagsisilbing bagman para sa mga bugok na taga-NFA. Ika nga, taga-suhol!

Mga maliliit na farmers ang nadadale ng MAFIA kasi binibili nila ang palay sa murang halaga at ang mga ma-e-erap na buyer ng bigas na kumakain nito ang ginigisa ng MAFIA sa sarili nilang mantika.

Very simple ang operation ng MAFIA sa NFA, ganito lang ang kanaan sa ma-e-erap na rice eater mula sa biniling murang bigas na ibinebenta ng government na P16.00 to P18.00 per kilo ay pinapalitan nila ito ng sako at palalabasin na dehins NFA rice ang selling nila kundi iba kaya ang price mataas. Sabi nga, P22.00 or more per kilo! Mga kamote, nakita ninyo ang tubo.

Sinasabing isinasakay daw ito noon sa truck ng Erap para sa ma-erap pero ngayon kay Gloria Labandera na raw? For your information, Dear Readers, ang NFA rice ay magandang klaseng bigas, mabango at masarap kaya kinakain ito ng mga ma-e-erap na madlang people. Bigas kasi ang number one food ng Noypi sa Pinas!

Ang operasyon ng MAFIA sa NFA ay malawak, dehins biro kaya sangdamukal ang nanakaw nilang atik. Kaya naman ang mga negosyo nila nakalulula.

Paging BIR, ano ba ito?

Akala ng mga kuwago ng ORA MISMO nang masipa sa Palasyo si Erap ay hihinto ang operasyon ng MAFIA sa NFA dahil si Prez Gloria Macapagal-Arroyo ang pumalit pero nagkamali tayo dahil up to now, alive and kicking ang grupo ng mga walanghiya. Kung talagang seryoso si Prez Gloria para kalkalin ang ikinukuwento ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat paburiki niya ito sa lalong madaling panahon.

Sana ang mga iginagalang at respetadong mga tao sa lipunan ang mag-imbestiga para walang whitewash! Kasi nga, sangkatutak ang patong!

Grabe ang pitsang kinita nila sa simpleng operasyon ng rice smuggling at diversion. Sabi nga, from North to South. Tama ba, Joji!

Ang grupo nina alyas Bong limlim kasoy, Juliet pana ng Bulacan, Alex konsehala, EJ, Mighty Thor at Ilonggo boys, etcetera ang ibubulgar ko sa susunod. May mga pictures ako ng mga haybol nila at copy ng mga asset pero alaws liabilities ang mga kumag.

Para sa kaalaman ng mga readers, mula sa mga kasangga ko from Hong Kong at intel group na bumabasa ng aking kolum may pahiwatig na ang grupo ng MAFIA sa NFA na manahimik ako dahil kung dehins daw, ako ang ilalagay sa sako ng NFA at ibebenta nang mas mahal.

Atik at beautiful girls ang pangregalo nila sa mga bugok sa gobyerno para manahimik ang kanilang mga mouth. Sabi nga, may zipper!

"Ang part 3 sa Thursday," anang kuwagong mangbuburiki ng sako.

"May top brass MAFIA sa NFA ang nagnakaw ng pitsa sa madlang people kaya lang ang atik ay naka-deposit sa isang banko sa British Virgin Island sa Carribean!"

"Abangan kamote!"

vuukle comment

BRITISH VIRGIN ISLAND

DEAR READERS

ERAP

GLORIA LABANDERA

MAFIA

NFA

NILA

PARA

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with