^

PSN Opinyon

Mafia sa NFA - Part 1

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
DAANG million ang kinita ng maria, este mali, mafia pala sa NFA dahil lamang sa malalimang operasyon ng rice smuggling.

Aktibo ang mafia noong panahon ni dating Prez Erap, ang akala ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO ay tumigil ang mga kamote nang pumasok si Prez Gloria Macapagal-Arroyo pero mali pala sila.

Up to now kasi alive and still kicking ang mga kamote. Sabi nga, walang tigil sa kananakaw!

May mga bugok sa NFA na kasabwat ang mafia kaya naman malaya silang nakakagawa ng milagro kahit na pinapatay nila ang mga magsasaka sa mga provinces. Ika nga, ang kaunting kita ng mga farmers ay dinudukot pa ng mga walanghiya.

Karamihan sa mafia ay mga Pinoy-tsekwa at siyempre, may mga Noypi rin na ginagamit nilang kasador sa mga transaction nila para kausapin ang mga bugok sa NFA. Nakalululang mansion ang mga haybol nila at hindi basta tsikot ang gamit ng mga ito at ng kanilang mga anak.

Nakabase sila sa Pasig City and Marikina City, andon ang kanilang mga houses. Puro mga condominium ngayon ang tinitirahan nila kasi ang mga betka nila ay todits nila ibinabahay.

Sana makapa sila ng mga kidnap-for-ransom gang para naman mabawasan ng kahit kaunti ang ninakaw nilang pitsa sa mga magsasaka at madlang people.

Nagtayo ng negosyo ang mafia para pang-cover sa kanilang kawalanghiyaang mga restaurant, bars at may bubuksan din silang business sa US of A, meron sa Kyusi, Manila, Macapagal Avenue, Makati, Pasig City. Ika nga, businessmen ang dating ng mga magnanakaw!

Ang mga pangalan nila ay sina Hercules Ko Pal, Bong lim kasoy, ang front nila ay kung tawagin ay si Republic of the Philippines aka R.P., Thor cuato, si EJ, Sonny.

Mayroon pang administrator ng isang ahensiya ng gobyerno ang kasamahan ng mga gago na kung tawagin ay si dok dahil kung pumasok ito sa mga klub kinakapaan ng suso ng gago ang mga bebot todits kaya akala ng mga pobreng alindahaw ay doktor ito.

"Matindi ba talaga sila?" tanong ng kuwagong magsasaka.

"Yes, takot nga sa kanila ang gobyerno," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Kapos ang kolum ng Chief Kuwago, next Tuesday ang continuation, dear Readers."

"Abangan."

CHIEF KUWAGO

HERCULES KO PAL

IKA

MACAPAGAL AVENUE

NILA

PASIG CITY

PASIG CITY AND MARIKINA CITY

PREZ ERAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with