Hanggang saan puwede mamulitika ang obispo?
July 11, 2006 | 12:00am
NAGUGULUHAN ang mamamayan sa paglahok ng Simbahan sa pulitika. Anang mga obispo, okey lang yon kung may bahid moral sa isyung pang-Estado. Anang mga kontra, panghihimasok na yon sa Estado ng Simbahan na makapangyarihan pero hindi binubuwisan.
Sa isang banda, may katuwiran ang mga obispo. Sa usaping death penalty, halimbawa, may isyung moralidad. Labag sa Bibliya pumatay; dapat lang isiwalat ng Simbahan ang paninindigan. Gayon din sa usaping sex education, kung saan iginiit ng mga obispo na ituro ang pag-aanak hindi lang bilang pisikal na aktibidad kundi tungkulin ng mag-asawa.
Pero sa impeachment ng sino mang opisyal, tama pa bang lumahok ang isang obispo? Tama pa bang ipalusot ng mga katoto niya na sang-ayon lang yon sa sariling konsiyensiya? Tama pa bang maglahad ng kuro-kuro ang Catholic Bishops Conference of the Philippines?
Ganun din sa pagrebisa ng Konstitusyon. Anang mga obispo kailangan ng pagbabago sa sarili at sa sistema. Pero, tama pa bang uriratin nila ang paraan ng pagreporma kung peoples initiative o constituent assembly o constitutional convention? Hindi ba nagpapagamit na sila sa naghaharing uri kapag lumahok sa partisan politics?
Kung tutuusin, yun na nga ang nangyari nung Biyernes sa Bishops-Businessmens Conference sa Charter change. Lutong-makaw nang pagsalitain nila nang tig-15 minutos ang dalawang kontra: Cris Monsod at Ting Paterno. Tapos pinag-react nang tig-5 minuto ang dalawa pang kontra: Bishop Antonio Ledesma at Sen. Mar Roxas. Ang pro na kinatawan ni Advocacy Commissioner Ramon Orosa, 5 minuto lang.
Dapat isulat na kung hanggang saan maari makialam ang Simbahan. Kundiy manghihimasok na lang basta ang mga obispo sa ano-anong isyu.
Halimbawa na itong obispong nagsangkot sa maraming opisyales sa jueteng. Itinago niya sa safe house sa siyudad ang mga saksing tumestigo sa Senado nung 2005. Kelan lang, may mga nahuling rebeldeng sundalo sa parehong safe house. Ano ang kinalaman ng obispo sa armadong kilos?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended