^

PSN Opinyon

Earthquake at fire drills, mahalaga sa oras ng kagipitan

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANUMANG kalamidad, maging natural or man-made disasters, dapat na maging handa ang lahat. Simula pa lang ng 2006 ilan nang bagyo ang nanalasa. Nariyan din ang pag-aalburoto ng mga bulkan, mga paglindol at tsunami, baha, landslide, sunog at iba pang nakahihindik na pangyayari na sa maraming pagkakataon ay hindi mabilang ang namatay at nasugatan.

Hindi kataka-takang lumindol o maging aktibo ang mga bulkan sa Pilipinas sapagkat ang bansa ay nasa "Pacific Ring of Fire".

Makatuturan naman ang inilunsad ng National Disaster Coordinating Council na nationwide earthquake drills noong nakaraang linggo kung saan ang mga estudyante ay sinasanay sa mga dapat gawin kapag nagkalindol. Mainam din ang pagsasanay ng dapat gawin tuwing may volcanic eruption. Isa pang makabuluhang proyekto ay ang pagsasanay kapag may sunog.

Nasaksihan ko ang fire drills sa Makati na personal na itinaguyod ni Mayor Jejomar Binay. Kapuri-puri rin ang inilunsad ng PAGASA na typhoon and flood awareness program. Hindi maipagkakaila na 75 porsiyento sa mga namatay ay dahil sa mga baha na dala ng malalakas na bagyo. Kaugnay nito dapat na makipagtulungan ang mga mamamayan sa tamang pagtatapon ng basura na nagiging dahilan ng grabeng pagbaha lalo na sa Metro Manila. Sawatain naman ang illegal logging at quarrying operations sapagkat ang mga ito ang sanhi ng landslides at flashfloods.

Matuto na tayo sa mga naranasan sa nakaraan.

ISA

KAPURI

KAUGNAY

MAINAM

MAKATI

MAYOR JEJOMAR BINAY

METRO MANILA

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

PACIFIC RING OF FIRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with