^

PSN Opinyon

NAIA ready sa atake ng terorista

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
UMAATIKABONG meeting ang nangyari sa lahat ng concerned agencies sa NAIA matapos mabalitaan ang intel report ng mga katulisan este mali kapulisan pala na titirahin ng missile ang nasabing paliparan para hiyain ang Pinas sa buong mundo na mahina ang seguridad sa Philippines my Philippines.

Nanggagalaiti kasi sa galit ang mga terorista dahil sa paninisid ese mali pakikipag-alyansa pala natin sa US of A sa pinalakas na kampanya versus sa pangdaigdigang terorismo. Sabi nga, supporter ang Pinoy!

Nakausap ng mga kuwago ng ORA MISMO, si retired Philippine Army General Angel Atutubo, ang bossing ng Security and Emergency ng paliparan, sabi ng huli handa ang NAIA sa pag-atake ng terorismo.

Pinulong pala ni General ang mga authorities from the SPD foolish este mali police force para pag-usapan ang nasabing nakakagimbal na issue.

Sabi ni General, bukod sa Makati Police, Taguig Police, Pasay Police etcetera ay pinakiusapan nito ang mga barangay sa paligid ng bisinidad ng airport para tiktikan ang anuman kaduda-duda na pagkilos ng mga hindi kilalang mga taong umaaligid sa labas ng paliparan.

Humihingi rin ng despensa si General sa mga motorista at mga taong pumupunta ng NAIA dahil ipinatupad na nila ang panibagong paghihigpit sa airport.

Sabi nga, matindihang kapkapan at checkpoints ang sasalubong sa public.

Wala kasing magagawa ang mga taga-NAIA kundi ang ipatupad ang hightened security todits dahil baka matsambahan sila at tiyak tapyas ang ulo nila sa Palasyo.

Siyempre, kapag nakaporma ang mga terorista hindi natin malalaman kung ilan ang matitigok nila sa NAIA. Remember, 9-11 sa US of A!

Natutuwa naman si General at maganda ang response sa kanila ng mga mamamayan ng Pasay City at Parañaque sa ginawa nilang paghingi ng suporta todits. Sabi nga, thank you!

‘‘Sigurado bang babakbakan ang NAIA?’’ tanong ng kuwagong mental patient.

‘‘Hindi dapat balewalain ang intel report,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ano ang magandang gawin para mapag-ingatan natin ito?’’ tanong ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Kamote kailangan palaging alerto!’’

‘‘Tumpak ba General Atutubo, Sir?’’

ANO

GENERAL ATUTUBO

MAKATI POLICE

PASAY CITY

PASAY POLICE

PHILIPPINE ARMY GENERAL ANGEL ATUTUBO

SABI

SECURITY AND EMERGENCY

TAGUIG POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with