^

PSN Opinyon

Tahimik ang Simbahan at mga pulitiko sa jueteng

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
HINDI lang pala sa Bicol namamayagpag ng muli ang jueteng kundi maging sa iba pang bahagi ng bansa natin. Kaya pala kampante si jueteng whistleblower Wilfredo ‘‘Boy’’ Mayor na hindi gagalawin ng pulisya sa pamu- muno ni Chief Supt. Victor Boco, ang PRO5 director, ang jueteng niya sa Legaspi City at Daraga dahil may pamato rin siya. Ayaw kasi ni Gen. Boco na magdaldal si Boy Mayor ukol sa jueteng at tiyak na madadamay ang iba pang pagkakitaan niya.

Kaya kung pasipol-sipol sa ngayon si Boy Mayor dahil gumagana na naman ang gripo niya, lalo na ang bangka niya na sina Charing Magbuhos ng San Pablo City at ni alyas Mama Nora. Kung sabagay, sa buong Albay na may jueteng at ang mga bangka ay sina Tony Ong, Cardings Ong at ang dating kapitan ng barko. Sa Sorsogon ay si Leony Lim, si Tony Carpio naman sa Camarines Norte at si Bong Villafuerte sa Camarines Sur, anang mga kausap ko. Mag-ingat lang si Gen. Boco at baka malasap din niya ang delubyo na inabot ng pinalitan niya sa Bicol, he-he-he! Nakaipon na tiyak si Gen. Boco, di ba mga suki?

Sa pagsulputan na muli ng jueteng sa Bicol at sa ibang bahagi ng bansa, nabura ang lahat ng accomplishment ni PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao lalo na ang kanyang PNP transformation program. Sino pa ba ang natitirang PNP officials natin na natakot sa ‘‘one-strike policy’’ ni Lomibao kung jueteng ang pag-uusapan? Eh di wala kung ang pagsulputang jueteng sa bansa ang gagawing basehan, di ba mga suki?

Mukhang si Gen. Boco at iba pang nakaupong opisyales ng PNP ay bata na ni Lomibao kaya’t naging inutil ang one-strike policy niya, anang mga kausap ko sa MPD. May balita na i-extend ng isang taon si Lomibao pero lalong mapapahiya lang ang Palasyo kung gagawin nila ito dahil nga nagsulputan ang jueteng sa ilalim ng kanyang liderato.

Para sa kaalaman ni Lomibao, full blast na sa ngayon ang jueteng operation nina Danny Soriano sa Cagayan; Tony Ong, Boy Bata, at Reina Mercedes sa Isabela; Luding Bongaling, Boy Bata, Anton Lee, Bong Cayabyab at Roland Villegas sa Pangasinan; Bebot Roxas sa Tarlac: Peping Beldan sa Zambales at Charing Magbuhos sa Quezon.

Ang mga protector nila ay kundi PNP officials eh mga pulitiko. Kaya lang mas matibay si Danny Soriano sa Cagayan dahil ang kapatid niya mismo na si Chief Supt. Jeff Soriano, ang PRO2 director, siya nakasandal, anang taga-MPD. Si Charing Magbuhos ay si Chief Supt. Prospero Noble, ang PRO4-A director ang pamato samantalang sina Bebot Roxas at Peping Beldan naman ay si Chief Supt. Ismael Rafanan, ang PRO3 director, Ano ba ’yan?

Kaya habang masaya ang mga kapulisan sa grasyang pumapasok sa kani-kanilang bulsa, eh nahihiwagahan naman ako sa sobrang katahimikan ng simbahan. Kung sabagay, sa tingin n’yo ba mga suki, kaya pang pigilin ng simbahan ang jueteng, eh mabigat at sobrang tibay ng mga padrino nitong mga nabanggit na gambling lords? At bakit tahimik din ang oposisyon tulad nina Sen’s. Ping Lacson at Nene Pimentel at Sorsogon Rep. Escudero? Na-bribe na kaya ang mga pulitiko na maingay kung jueteng ang pag-uusapan sa nakaraang impeachment ni Presidente Arroyo? Abangan!

BEBOT ROXAS

BICOL

BOCO

BOY BATA

BOY MAYOR

CHIEF SUPT

JUETENG

KAYA

LOMIBAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with