^

PSN Opinyon

Pagwalis sa mga korap hindi sana ningas-kugon

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SINASABI na isa sa masamang ugali ng mga Pinoy ay ang pagiging ningas-kugon. Maraming pagkakataon na napatunayan ito. Sa umpisa ay pursigido pero habang tumatagal unti-unting lumalamlam at nababawasan ang enthusiasm hanggang sa tuluyang makalimutan.

Laganap ang korapsiyon kaya naglaan ang gobyerno ng P1-bilyon para labanan ito. Ang talamak na korapsiyon ang inirereklamo ng mga foreign investors. Nagbanta noon ang mga Amerikanong negosyante na aalisin ang kanilang negosyo rito sa Pilipinas kapag hindi naputol ang korapsyon.

Ang Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue ang nangunguna sa mga korap na ahensiya ng pamahalaan. Ang Armed Forces of the Philippines ay korap na rin. Ilang heneral na ang nasangkot sa mga anomalya. Marami ang nakapagpundar ng mga ari-arian, mga negosyo, malapalasyong tahanan at magagarang sasakyan. Isa sa mga nasampolan ay si retired AFP Major General Carlos Garcia na patung-patong na kaso ang hinaharap.

Hindi na mabilang ang nagpayaman sa pangungurakot at patuloy na nananagana at malayang nakapamumuhay. Marami ang may mga anak na pinag-aaral pa sa abroad.

Ang panibagong kampanya laban sa mga korap ay hindi sana mauwi sa ningas-kugon.

AMERIKANONG

ANG ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ANG BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

ILANG

ISA

LAGANAP

MAJOR GENERAL CARLOS GARCIA

MARAMI

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with