Puso ang tama...
June 21, 2006 | 12:00am
Si Prosecutor Arthur Malabagyo ng Quezon City Prosecution Office ang unang fiscal na humawak sa kaso ni Patrick James Gochingco na umanoy binaril dahil lamang sa parking.
Tumagal ng tumagal ang kaso sa Quezon City Prosecution Office nang magpalit na naman ng fiscal ang kasong murder na isinampa ng asawa ni Patrick James, si Ann Ruth.
Hinawakan naman ito ni Prosecutor Edgar Santos. Tulad ng unang fiscal na humawak dito na-promote din si Prosecutor Santos dahilan upang muli na naman itong palitan ng panabigong fiscal.
Ikatlo at ang huling humawak ng kaso ay si Prosecutor Wilfredo Mayñigo na nito lamang May 2006 lumabas ang resolution. Pabor naman ang resolution sa mga Gochingco. Kasong murder ang inirekomenda nito laban sa mga suspek.
Nag-issue ng warrant of arrest si Judge Bernelito R. Fernadez ng RTC Branch 97, Quezon City subalit nagtatago pa rin ang mga suspek.
Sa puntong ito inilapit ni Ann Ruth ang kaso ng kanyang asawa. Nais niyang mailagay sa Hold Departure Order ang mga suspek sa pagpatay ng kanyang asawa subalit nagkaroon ng balakid dahil hindi makapag-isyu ng HDO dahil kailangan manggaling sa korte ang request. Ayaw daw pirmahan ng Fiscal na naka-assign sa sala ng Judge. Kahit anong pakiusap ng mga pamilya Gochingco, talagang ayaw pumirma itong Fiscal. Bakit kaya? Aba ewan ko, baka naman may inaantay siya?
Para sa isang mabilis na solusyon tinawagan namin si Commissioner Alipio Fernandez na nung mga sandaling yun ay kababalik pa lamang galing sa Budapest. Bagamat hindi pa siya nagre-report sa trabaho, pinapunta niya ang pamilya Gochingo sa Bureau of Immigration and Deportation.
Inilagay muna sa Watch List depending the issuance of a court order para sa isang Hold Departure Order.
Inilapit naman namin kay Quezon City State Prosecutor Chief Claro Arellano at nagawan niya ng paraan upang mapapirmanhan at mag isyu ng HDO ang judge sa Conchingco murder.
Lubos na ikinagalak ito ng pamilya ng biktima. Nais naming pasalamatan sina Comm. Alipio Fernandez, Chief Claro Arellano at lahat ng tumulong para magkaroon ng HDO ang mga suspek.
Narito ang larawan ng mga suspects na pinaghahanap sa Gochingco case. Kung meron kayong nalalaman sa kanilang kinaroroonan para sa mabilis nilang pagdakip, maaring itawag lamang sa amin dito sa "CALVENTO FILES" o sa "HUSTISYA PARA SA LAHAT"
Para sa lahat ng biktima ng karahasan, krimen at mga legal problems, maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kayay sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
(WALA PA RING AKSYON ang Phillipine Racing Commission sa pamumuno ni Gen Fianza at ang San Lazaro Leisure Park sa mga reklamo ng mga taga-Villa Olympia, particular na ang mga magulang ng mga mag-aaral ng Immaculate College na isang maliit lang ang layo mula sa Off Track Betting station ng karera ng kabayo ang Friendster OTB na ang operator ay si Divina Olivarez.
Sobra yatang lakas nitong taong ito dahil pati isang Baptist Church ang malapit sa lugar ng OTB.)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended