Hindi kayang supilin ng AIGTF ni Lomibao ang mga butas niya. Premyo kaya ni Boy Mayor ang jueteng sa Legaspi City at Daraga para manahimik na lamang siya? Puwede, di ba mga suki? Habang namamayagpag naman ang jueteng ni Boy Mayor, ang napapahiya ay ang kapulisan lalo na si Chief Supt. Victor Boco, ang director ng PRO5. Kung sabagay, lulunukin ni Boco ang pride niya basta may laman ang bulsa niya, di ba mga suki? He-he-he! Bumabawi lang si Gen. Boco sa nawala sa kaban niya ng magsara ang jueteng.
Matatandaan na si Boy Mayor ay lumutang noong nakaraang taon sa Senado at ibinulgar niya ang malawakang jueteng operation sa bansa. Kung sinu-sino na lang ang idinawit ni Boy Mayor at hindi niya inalintana ang peligro sa buhay niya. Maganda naman ang ibinunga ng pagiging whistleblower ni Boy Mayor dahil nagsara ang jueteng nga. Kaya lang, hindi magiging maganda para sa imahe ni Boy Mayor at ang padrino niya na si Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, ng Krusada ng Bayan Kontra Jueteng kung makisawsaw nga siya sa naturang sugal. Kung sabagay, inamin naman ni Boy Mayor sa Senado na kaya siya lumutang eh dahil naitsa-puwera siya sa jueteng sa Bicol. Ika nga nawala ang porsiyento na dapat mapasakanya.
Nagumon kasi sa sugal, alak at babae si Boy Mayor kayat nagkabaon-baon sa utang. Lalo na ng tumakbo siya sa pulitika at naubos ang kinita niya sa jueteng. Patatahimikin kaya ng konsensiya niya si Boy Mayor sa pagbabalik niya sa jueteng? Matutubos na kaya niya ang pagkasanla ng lupat bahay niya sa isang rural bank sa Legaspi City? Ano ang mukha na mai- harap sa ngayon ni Boy Mayor kay Archbishop Cruz na hanggang sa ngayon ay nabubulgar pa niya.
Bueno, para sa kaalaman nina Gen. Lomibao at Boco, ang bangka pala ni Boy Mayor sa Legaspi City ay itong sina Charing Magbuhoa ng San Pablo City at Madam Nora. Siyempre, tatlong beses kung magbola ang jueteng ni Boy Mayor sa maghapon. Sinabi pa ng mga kausap ko na ang bola ng jueteng ni Boy Mayor ay karatig bayan ng Pasok Suguy sa Sorsogon.
Hindi lang naman si Boy Mayor ang may pa-jueteng sa Albay. Ak- tibo rin sa ngayon ang naturang sugal sa mga bayan ng Guinobatan, Camalig, Jovellar, Oas, Ligao, Sto. Domingo, Malilipot, Bacacay, Tabaco, Laminao, Tiwi, Polangui, Libon, Manito, Pio Duran at Rapu-Rapu. Ang mga bangka roon maliban sa puwesto ni Boy Mayor ay sina Tony Ong, Carding Ong at ang isang dating kapitan ng barko. Sa dami ng detalye, puwedeng maging giya ito ng AIGTF ni Lomibao na sugal lupa ang pinapatulan imbes na ang jueteng ang atupagin. Mahiya ka naman Gen. Lomibao Sir! Abangan!