^

PSN Opinyon

PNP bossing General Art Lomibao

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
GUSTONG likidahin ng isang foolish cop este mali pulis pala si Jun Mercado Valdecantos, isang reporter at columnist sa isang diyaryo sa Cavite dahil sa ginawang pagtulong ng una sa isang menor-de-edad na bebot. Take note, PNP bossing Art Lomibao, Sir. Sabi nga, grave threat!

Si PO3 Jude Legaspi Camitan, ng Special Operation Group, diyan sa Camp Pantaleon Garcia, Imus, Cavite, ang lespung kinasuhan ni Valdecantos. Sinampahan ng kaso ni Valdecantos ang foolish cop este mali pulis pala sa Municipal Trial Court, Fourth Judicial Region, Cavite, last June 6, 2006.

Nag-ugat ang pagbabanta nang humingi ng help matapos magsumbong kay Valdecantos ang isang Rosela Palomo, mother ni Mary Ann, isang 14 years old girl.

Hindi ko na ikukuwento na girlfriend daw ng foolish cop este mali pulis pala si Mary Ann baka ma-tsismis pa ito sa Cavite, he-he-he! Ito ang dahilan kung bakit tinakot ni Camitan si Valdecantos.

Mahirap ang nagbabanta sa buhay ng isang media practitioner ngayon pang sunud-sunod ang media killing.

May kalalagyan si Camitan oras na nabasa ni Lomibao ang istorya ng mga kuwago ng ORA MISMO.

‘‘May relasyon ba si Camitan at si Mary Ann kaya galit siya ng bukuhin ni Valdecantos?’’ tanong ng kuwagong haliparot.

‘‘Secret ito pero ang balita sa sinumpaan salaysay ni Valdecantos siyota raw ito ng lespu,’’ anang kuwagong maninipsip ng tahong.

‘‘Hindi ba alam ng pulis na ang manakot ay isang criminal case,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 na visor sa DIDM sa Crame.

‘‘Bahala siya malakas ang loob niya kamote,’’ anang kuwagong kotong cop.

‘‘Makipag-ayos kaya si Valdecantos sa pulis na mananakot?’’

‘‘Iyan kamote ang ipasagot natin kay Balde!’’

ART LOMIBAO

CAMITAN

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

FOURTH JUDICIAL REGION

ISANG

JUDE LEGASPI CAMITAN

JUN MERCADO VALDECANTOS

MARY ANN

VALDECANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with