^

PSN Opinyon

Poro Point dapat tanuran ng gobyerno

- Al G. Pedroche -
DAPAT bantayang mabuti ng pamahalaan ang Poro Point dahil ito’y potensyal na balwarte ng smuggling kung hindi man ginagamit na sa pagpapasok ng mga kalakal na di ibinabayad ng buwis. Ngunit iyan nga ang matunog na balita ngayon. "Smuggling paradise" daw ang daungan. To prove, dapat mag-imbestiga ang gobyerno. Sabi nga, kung may usok, pihong may apoy.

Ang Poro Point na isang dating US military base ay kasama sa itinayong special economic zone kasama ang Subic, Clark at John Hay. Ayon sa ating local contacts, lubhang malayo at isolated ang Poro Point at puwedeng gawing daungan ng mga barkong nagdadala ng puslit na kalakal.

Ang Poro Point ay dating Wallace Air Station sa San Fernando, La Union. Malawak at puwedeng daungan ng mga malalaking barko. Nang magwakas ang US-RP military bases agreement, iniwanan na ito ng mga Kano.

Sa kasalukuyan ang nangangasiwa rito ay isang seaport operator na kung tawagin ay Bulk Handlers, Inc. Kabado raw ang kompanyang ito. Nakaamoy siguro na may ibang interested party na ibig itong sulutin sa pangangasiwa ng daungan. Kaya ngayon pa lang ay nakikipaglaban na nang matindi para manatili sa puwesto.

Ang balita ko, matindi ang konek ng kompanyang ito sa nakaraang administrasyon ni Presidente Estrada kaya nakuha ang Poro Point. Nang tumalsik sa kapangyarihan si Estrada, ang dayuhang may-ari nito’y umalis na rin sa Pinas at iniwanan ang negosyo sa kanyang asawa.

Nang nakuha ng kompanya ang kontrata noong 1999, pinalitan diumano ang lahat ng security force na nagtatanod doon ng sarili nilang sikyu. Kakaunti ang nakaaalam kung anong katiwalian ang nangyayari sa loob ng Poro Point. May mga balibalita, bagamat hindi dokumentado, na ginagamit ang daungan sa pagpupuslit ng bigas at iba pang kalakal.

Malay natin, baka pati heavy equipment tulad ng bulldozers o mga luxury cars ay naipupuslit na sa Poro Point? Mahirap ipasok sa bansa ang ganyang produkto pero sa Poro Point, hindi imposible. Napakalapit diyan ng China na alam naman nating aktibo sa produksyon ng mga ganyang kalakal.

Inuulit ko, dapat magtanod mabuti ang pamahalaan lalo pa’t kailangan nito ng dagdag na revenue. Huwag naman puro taumbayan ang pinipiga sa buwis habang may mga dapat magbayad ng bilyun-bilyon pero tahasang nakaiiwas.

Email me at [email protected]

ANG PORO POINT

BULK HANDLERS

JOHN HAY

LA UNION

NANG

POINT

PORO

PORO POINT

PRESIDENTE ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with