^

PSN Opinyon

Bagong anyo ng San Agustin Elem. School sa Gerona, Tarlac

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
(Part I)
MAPALAD ang may 170 kabataang mag-aaral ng San Agustin Elementary School sa Bgy. San Agustin, Gerona, Tarlac matapos tugunan ng Damayan Foundation ang matagal na nilang pangarap na magkaroon ng isang maayos at ligtas na mga silid-aralan.

Sa araw na ito masasaksihan ng buong bayan ng Gerona ang pagbabagong anyo ng naturang paaralan matapos ang isang buwang pagkumpuni ng mga kisame, mga bintana, pagpintura ng loob at labas ng mga silid-aralan.

Mayroon na silang library na puno ng mga aklat at makabagong kagamitang makadagdag sa pananaliksik upang higit na madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral. Siyempre hindi mahuhuli ang isang silid ng Home Economics na may kagamitang magsasanay upang sa gayon ay maturuan silang magluto ng iba’t ibang uri ng pagkaing maaaring pagkakakitaan.

At bongga naman si Principal Demetria P. Antonio dahil sa kanyang office na ipinagawa ng Damayan Foundation upang magkaroon siya ng pribadong silid na magsisilbing conference room na maari nilang gamitin sa oras na sila’y may mga panauhin at pagpupulong.

Maging ang kapaligiran ng San Agustin Elementary School ay nagbago na rin ang anyo matapos na pagtulungan ng mga miyembro ng Damayan ang pagtatanim ng mga halaman na sa darating na panahon ay magsi-silbing lilim sa mag-aaral.

At ang higit sa lahat pagkakalooban sila ng isang bagumbagong Dream Sattelite upang gamitin sa pagtuturo ng mga makabagong aralin mula sa mga cable station at magagamit din nila sa pag-monitor sa kalagayan ng panahon upang maiwasan ang kalamidad.

(Itutuloy)

vuukle comment

BGY

DAMAYAN FOUNDATION

DREAM SATTELITE

GERONA

HOME ECONOMICS

PART I

PRINCIPAL DEMETRIA P

SAN AGUSTIN

SAN AGUSTIN ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with