^

PSN Opinyon

Cybersex den sa Cebu, hulog sa BITAG!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
(Part I)
IKALAWANG linggo ng Hunyo ng tunguhin ng BITAG Investigative Team ang Lungsod ng Cebu. Ito ay upang simulan ang layunin ng BITAG para sa taong ito na libutin ang Luzon, Visayas at Mindanao para sa ikakalat naming mga patibong.

Ang layuning ito ay hinggil na rin sa hiling ng nakararami sa kapuluan ng LuzViMin na dayuhin ang kanilang mga probinsiya upang mahulog sa aming BITAG ang mga dorobo, manggagantso at mapang-abuso sa lipunan.

At nito ngang a-6 ng Hunyo, una naming sinampulan ang Lungsod ng Cebu. Agad kaming nakipag-ugnayan sa matataas na opisyal ng Camp Sotero para sa aming pakay.

Dito, isang tip ang kaagad nakaabot sa aming grupo at sa Criminal Investigation and Detection Group Region 7-Cebu ukol sa umano’y pinaghihinalaang cybersex den sa Brgy. Basac, Lapu-lapu City.

Ayon sa tipster na si "Tatay", dating empleyado ng kanong Marc Brickman, ang umano’y may-ari ng pinaghihinalaang cybersex den, mga menor de- edad na kababaihan ang tauhan ni Brickman.

Dagdag pa ni "Tatay", maraming sex paraphernalias o sextoys at computer ang nasa bahay ng kano na posibleng ginagamit ng mga kababaihan.

Dahil dito, agad nagsagawa ng surveillance-reconnaissance operation ang BITAG kasama ang ilang operatiba ng CIDG-7 upang iberipika ang nasabing tip.

Sa pamamagitan ng maliit na awang ng kurtina ng apartment ni Brickman, nasilip ng mga BITAG undercover ang dalawang menor de edad na kapwa nakatapis ng tuwalya at naka make-up.

Masasabing naging positibo ang nasabing surveillance-reconnaissance bagamat hindi naidokumento ng mga BITAG undercover ang mga ebidensiya dahil sa madilim na ng mga oras na iyon at sa maliit na awang lamang ng kurtina nakita ang mga subject.

Kinabukasan ay inihanda na ng mga operatiba ng CIDG-7, BITAG at representante ng Department of Social Workers Development Region 7 para sa isasagawang rescue operation sa mga menor de-edad na maaaring performers ng cybersex.

(Itutuloy sa Miyerkules)

BITAG

BRICKMAN

CAMP SOTERO

CEBU

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP REGION

DEPARTMENT OF SOCIAL WORKERS DEVELOPMENT REGION

HUNYO

INVESTIGATIVE TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with