^

PSN Opinyon

Mataas na uric acid dahilan ng gout

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
BIHIRA ang nakaaalam na ang gout ay isang uri ng arthritis. Bigla ang pag-atake ng gout sa mga kalalakihang may edad 40 pataas. Napakasakit ng gout. Hindi maaaring indahin ang sakit. Palatandaan na ang isang tao ay may gout kapag siya ay may lagnat at mamula-mula, namamaga at malambot na kasu-kasuan. Pinakamasakit na bahagi ang hinlalaki ng mga paa.

Nagkakaroon ng gout dahil sa mataas na deposits ng monosodium urate crystals na naiipon sa mga kasu-kasuan. Nasa dugo ang mataas na level ng uric acid.

Karaniwang ibinibigay sa may gout ang gamot na Colchicine para mabawasan ang pananakit at ang pamamaga. Gayunman, ang Colchicine ay nagiging dahilan ng diarrhea at ang pinaka-serious na side effects ay ang pagkapinsala ng bone marrow. Ipini-prescribed na rin ang nonsteroidal anti-inflammatory drug kasama ang Allopurinol. Ang Allopurinol ay gamot na humahadlang sa production ng uric acid sa katawan. Ang gamot na ito ay kapaki-pakinabang sa mga may mataas na uric acid blood level at ganoon din sa mga may kidney stones. Dapat namang i-monitor ng doctor ang mga gumagamit ng Allopurinol sapagkat ang magti-take nito ay maaaring makaranas ng pananakit ng sikmura, skin rash, pag-decrease ng white blood cell count at maaaring mapinsala ang atay.

Hindi lamang sa hinlalaki maaring tumama ang gout kundi pati na rin sa balikat, siko, daliri, gulugod, baywang at iba pang bahagi ng katawan.

Paano maiiwasan ang magkaroon ng gout? Ganito ang gawin

• Bawasan ang timbang at ang pag-inom ng alak.

• Bawasan ang pagkain ng mga mataas sa purines. Ang mga pagkaing ma- taas sa purines ay ang atay, kidneys, utak, sardinas, dried beans, asparagus, cauliflower, mushrooms at spinach.

• Uminom nang walong basong tubig araw-araw.

• Kung umiinom ng gamot para sa high blood pressure, i-check sapag- kat maaaring ang dahilan ng gout ay ang thiazide deuretics.

ANG ALLOPURINOL

BAWASAN

BIGLA

DAPAT

GANITO

GAYUNMAN

GOUT

IPINI

KARANIWANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with