Batang Juice: Modus ng isang pulis Caloocan
June 7, 2006 | 12:00am
ILANG tips ang ipinaabot sa BITAG sa pamamagitan ng text messages, mula sa mga concerned citizen ng Caloocan, sindikato raw ang nagpapakalat ng mga bata na sapilitang pinagbebenta ng mga de botelyang juice sa Caloocan.
Upang makasiguro, kilos prontong sinilip ng BITAG ang lugar kung saan sila namamataan. Tumpak nga ang tips na aming natanggap dahil naispatan namin ang tinutukoy ng mga tipster. Kuhang-kuha ng aming concealed camera kung paano utusan at magbenta ang mga bata sa mga tsuper ng jeepney.
Nung una, malabo sa BITAG kung sino ang lalaking kasama ng mga bata na nakasakay sa isang owner type jeep na may plakang TEX 805 na nakasukbit pa ang baril.
At dahil dito, naging interesado ang BITAG kayat sa aming pag-iimbestiga, napag-alaman ng BITAG, isa palang pulis Caloocan na si PO3 Marvin San Juan na nakatalaga sa Police Community Precinct 8 ng Caloocan ang gumagamit ng mga bata sa kanyang sariling kapritsuhan.
Sa pangalawang pagkakataon, naispatan ng BITAG si PO3 San Juan sa EDSA Monumento, Caloocan na kung saan kasama ang kanyang mga alalay na bata na di alintana ang panganib sa gitna ng mga rumaragasang sasakyan.
Kitang-kita sa aming surveillance camera ang aktuwal na pagbebenta ng mga bata ng de botelyang juice at kung paano maging astig ang mga ito sa mga pampasaherong sasakyan maging bus man o jeep na hindi bumibili ng kanilang juice na nagkakahalaga ng P10 at di maintindihan ang lasa.
Ilang ulit binalikan ng BITAG ang kanyang area of operation subalit hindi na namin muling naispatan ang grupo ni PO3 San Juan, maaaring tumitigil na ito sa kanyang ginagawa o sadyang nakahalata sa aming ginagawang pagmamanman sa kanya.
PO3 Marvin San Juan ng PCP 8 ng Caloocan, ngayong nahulog ka na sa aming surveillance, kwidaw ka na dahil nananatiling nakabantay ang aming grupo sa bawat galaw mo dahil sa susunod na mahuhulog ka pa sa aming surveillance camera, alam mo na kung ano ang iyong kahahantungan!
Panawagan ng BITAG, kapag muli nyong nakita ang pulis na si PO3 Marvin San Juan na patuloy sa ganitong gawain, ipagbigay alam sa BITAG, dahil may nakahanda na kaming patibong sa kanya!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest