^

PSN Opinyon

Pagbisita ni Maria

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
KAPAG may kaanak o kaibigan na nagkasakit, o kaya’y matagal na nating hindi nakikita, atin siyang dinadalaw upang kumustahin. At ang ating pangungumusta ay hindi lamang panandalian, bagkus tinatagalan natin ang pakikipagkuwentuhan sa kanya.

Ganyan ang ginawa ni Maria, Ina ni Jesus, sa kanyang pagbisita sa kanyang pinsang si Elisabet. Sa kabila na si Maria ay nagbubuntis kay Jesus, nagawa pa niyang paglingkuran si Elisabet na noo’y anim na buwang buntis. Ang nasa sinapupunan naman ni Elisabet ay si Juan Bautista.

Naggagalaw ang sanggol na nasa sinapupunan ni Elisabet nang dumalaw si Maria. Pinapurihan ni Elisabet si Maria, bilang Ina ng kanyang Panginoon at pinagpala sa lahat ng mga babae.

Ipinagdiriwang ngayon sa liturhiya ng Simbahan ang Pagbisita ni Maria kay Elisabet. Sa paggunita sa pangyayaring ito, bigyang-diin natin ang Awit ng Pagpupuri ni Maria sa Diyos – ang Magnificat (Lukas 1:39-56, cf. 46-55).

Sinabi ni Maria, "Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon, at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas. Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin! At mula ngayon, ako’y tatawaging mapalad ng lahat ng salinglahi, dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan —- banal ang kanyang pangalan! Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng sali’t saling lahi. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig sa mga palalo ang isipan.

"Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at pinalayas niyang wala ni anuman ang mayayaman. Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel, bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang, kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!"

AWIT

DIYOS

ELISABET

INA

JUAN BAUTISTA

KANYANG

MARIA

NIYA

PANGINOON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with