^

PSN Opinyon

Naisaling tungkulin

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
NAGMAMAY-ARI si Tina ng 3,090 square meters na lote. Noong August 21, 1971, pinaupahan niya ito sa TRCDC sa loob ng 20 taon at maaring upahan pa basta’t may 60 araw na abiso bago magtapos ang termino. Nakasaad sa kontrata ng paupa na kung sakaling ipagbibili ni Tina ang lote, ang TRCDC ang mauunang bumili nito. Sa pamamagitan ng kasunduan, nagtayo ang TRCDC ng sabungan sa inupahang lote.

Noong June 17, 1991, sinulatan ng TRCDC si Tina upang ipaalam nito ang intensyong upahan pa ang lote. Subalit, hindi pumayag si Annie, anak ni Tina. Sa halip ay hiniling ni Annie sa TRCDC na tanggalin na ang anumang naitayo sa lote dahil siya na ang bagong may-ari nito. Sa katunayan, ipinagbili ni Tina ang lote sa kanyang anak noong August 8, 2006 sa halagang P10,000 bilang pormalidad upang maging kinatawan si Annie ng kanyang magulang sa oras na wala sila. Ang titulo ay naipangalan na rin kay Annie. At upang masolusyunan ang problema, hiniling ng TRCDC kay Annie na uupahan pa nito ang lote. Tumanggi si Annie kaya inalok siya ng TRCDC na bibilhin na nito ang lote. Hindi pumayag si Annie at sinabi pa nitong ang anumang mehora rito ay maaring ipagbili matapos matasa ito.

Nang hindi magkasundo, naghain ang TRCDC ng reklamo laban kina Tina at Annie ng annulment of sale and cancellation of title ni Annie, specific performance of its right of first refusal and damages. Matapos ang paglilitis, iginawad ng Regional Trial Court (RTC) ang pitong taong pag-upa pa ng TRCDC sa halagang P7,000 kada buwan samantalang dinismis ang usapin sa bayad-pinsala. Umapela ang TRCDC sa Court of Appeals (CA). At habang dinidinig ang apela sa CA, namatay si Tina. Sa desisyon ng CA noong June 14, 1999, inatasan nito ang TRCDC na lisanin ang lugar, magbayad ng P10,000 buwanang upa hanggang makaalis ito sa inuupahan, kuwentahin ang idedepositong upa at payagan si Annie na i-withdraw ang naidepositong upa na P320,000. Tama ba ang CA?

TAMA
ang CA sa paggawad kay Annie na ma-withdraw ang lahat na upa na nai-deposito ng TRCDC matapos ang pagkuwenta pati na rin ang pagbabayad ng TRCDC ng P10,000 buwanang renta habang tinutukoy pa ang makatwirang kondisyon ng pagbibili ng lote o hanggang lisanin nito ang lugar nang hindi ginamit ang right of first refusal

Gayunpaman, ang pagbibili ni Tina kay Annie ng nasabing lote noong August 1990 ay napawalang- bisa. Hindi kasi ginampanan ni Tina ang kanyang legal na tungkulin na unang alukin ang TRCDC na bilhin ang lote bago pa man ang ibang tao kabilang na ang kanyang anak. Dapat sana ay ipinagbili niya ang lote kay Annie kung sakaling tumanggi ang TRCDC. Bukod dito, ang anumang obligasyon at karapatan ni Tina sa kontrata ng paupa ay isasalin ng batas sa kanyang mga tagapagmana tulad ni Annie. Kaya si Annie bilang tagapagmana ay may tungkuling gampanan ang mga nakasaad sa kontrata sa pagitan ni Tina at ng TRCDC. Tulad na lamang ng tungkuling ibigay ang lote sa TRCDC kapag pinili nitong bilhin ang lote. Samantala ang TCT ay mananatili sa pangalan ni Annie at maaaring kanselahin sa oras na bilhin ng TRCDC ang lote. Babayaran din ni Annie ang TRCDC ng P20,000 bilang actual damages plus interest ayon sa legal rate at attorney’s fees na P10,000 at cost of suit. (Tanay Recreation Center and Development Inc. vs. Fausto, G.R. 140182, April 12, 2005, 455 SCRA 436).

ANNIE

COURT OF APPEALS

LOTE

NITO

NOONG AUGUST

NOONG JUNE

REGIONAL TRIAL COURT

TANAY RECREATION CENTER AND DEVELOPMENT INC

TINA

TRCDC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with