^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Mga sakit kung tag-ulan ay aatake na naman

-
SINABI ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na tatlong bagyo ang nakaambang tumama sa Pilipinas. Nagbigay ng babala ang PAGASA na maaaring manalasa ang bagyo sa pagbubukas ng klase. Kaya nananawagan ang PAGASA sa taumbayan na mag-ingat.

Nararamdaman na ang sinasabi ng PAGASA. Pumasok na ang tag-ulan at naghahatid na naman ng takot sa mamamayang nakatira sa mabababang lugar hindi lamang sa Metro Manila kundi sa mga nasa probinsiya. Mayroong mga lugar na kaunting buhos lamang ng ulan ay umaapaw na ang baha. At matagal bago lumiit ang tubig. Karaniwan na ang ganitong tanawin sa CAMANAVA area.

Ang isang nakatatakot kapag may baha ay hindi lamang ang bantang tangayin ang ari-arian at may malunod kundi ang mga sakit na nakukuha rito. Karaniwan nang ang mga sakit na nakukuha sa baha ay ang leptospirosis. Ang leptospirosis ay sakit na nanggaling sa tubig na kontaminado ng ihi ng daga. Kapag ang isang taong may sugat sa binti at paa ay lumusong sa tubig baha, ang leptospira virus ay doon papasok at makararanas ng lagnat, pananakit ng kalamnan, ulo at maaaring maapektuhan ang kidney, atay at utak. Mula January hanggang April 2006 111 kaso ng leptospirosis ang naireport. Ipinapayo sa mga lulusong sa tubig-baha na magsuot ng bota para maiwasan ang leptospirosis.

Ang dengue ay isa rin sa mga kinatatukutang sakit na nananalasa sa panaho ng tag-ulan. Ang dengue ay hatid ng lamok na Aedes Aegypti na umaatake o nangangagat kung araw. Paboritong tirahan ng mga lamok na may dengue ang mga nakatingggal na tubig at mga nakasabit na bagay na nasa madilim na lugar. Karaniwang nasa mga paso, bote, goma at iba pang lalagyan na may tubig nakatira ang mga lamok.

Sintomas ng dengue ang mataas na lagnat na tumatagal ng pitong araw, pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan, panghihina at pagkakaroon ng mga pantal. Kapag malala na ang dengue, maaaring makaranas ng pagdurugo ang biktima at maaaring ikamatay kapag hindi naagapan.

Hindi lamang ang dengue at leptospirosis ang mga sakit na umaatake kung panahon ng tag-ulan kaya nararapat ang pag-iingat. Nararapat na maging malinis sa kapaligiran upang mapigilan ang pagkalat ng mga daga at lamok na naghahatid ng sakit. Nararapat din namang magsagawa ng kampanya ang Department of Health kung paano lubusang makaiiwas sa sakit ang taumbayan. Kung sa DOH manggagaling ang paalala, mas maganda. Kawawa naman ang taumbayan kung magkakasakit pa sa panahong ito.

AEDES AEGYPTI

DEPARTMENT OF HEALTH

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

KAPAG

KARANIWAN

METRO MANILA

MULA JANUARY

NARARAPAT

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with