^

PSN Opinyon

Hukom na ignorante sa batas

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
KASO ito ng estafa na inihain ng isang banko laban sa ilang akusado noong September 1997. Matapos ang preliminary investigation, inirekomenda ng Investigating fiscal ang pagsasampa ng information laban sa mga akusado. Ang dalawa sa mga kaso ay na-raffle sa sala ng hukom ng Cabanatuan City.

Samantala, inapela ng akusado sa Department of Justice (DOJ) ang naging resolusyon ng Investigating fiscal noong December 28, 1998. Subalit noong August 15, 2000, itinanggi ng DOJ ang appeal at ang motion for reconsideration nito. Kaya, nag-isyu ang hukom ng warrant of arrest laban sa akusado nang walang piyansa.

At noong November 20, 2000, naghain ang akusado ng Motion for Reinvestigation at Motion to Lift the Warrant of Arrest. Pinaboran ng hukom ang mosyon nang walang pagdinig at walang abiso ng mosyon sa nagrereklamong bangko. Kung kaya’t isang reinvestigation ang isinagawa ng Assistant Provincial Prosecutor. At noong December 28, 2000, binaligtad ng Assistant Prosecutor ang naunang pasya ng Investigating Fiscal na may probable cause ang habla ng estafa sa akusado. Kaya, nang araw ding ‘yun, naghain ang Assistant Provincial Prosecutor ng Motion to Dismiss the Information. Kinabukasan, December 29, 2000, pinaboran ng hukom ang Motion to Dismiss at iginawad ang kalayaan ng akusado. Tama ba ang hukom?

MALI.
Ang kawalan ng interes at madaliang pagdismis ng kaso ng hukom ay hindi batay sa kanyang pagsusuri ng ebidensya o ang kawalan nito laban sa akusado. Sa legal na prinsipyong ang diskresyon sa pagsang-ayon sa isang Motion to Dismiss na inihain ng piskal ay tanging sa hukuman nakasalalay (Dimatulac vs. Villon 297 SCRA 679; Roberts Jr. vs. CA 254 S 307; Republic vs. Sunga 162 S191; Dungog vs. CA 159 S 145; Crespo vs. Mogul 151 S 462). Ang pagsang-ayon lamang sa naging posisyon ng piskal ay hindi katulad sa paggamit ng diskresyon na hinihingi ng kasong tulad nito (Mosquera V. Panganiban 258 SCRA 473 citing Martinez V. CA 237 S 575). Kinailangan ang pag-aaral ng hukom sa ebidensiya ng piskal. Kapag naihain na ang isang reklamo o impormasyon sa Korte, ang hukom – at hindi ang piskal – ang may kabuuang kontrol sa kontrobersya (Solar vs. How, 338 S511). Samakatuwid, ang pagpabor sa motion to dismiss ay katulad ng isang pagpapasiya ng kaso, kapangyarihan at kakayahang nakasalalay sa hukuman.

Bukod dito, nang inisyu ng hukom ang warrant of arrest nang walang piyansa, ipinapalagay na pinag-aralan niya ang impormayon at ang resolusyon ng piskal at sumasang-ayon siya sa pagkakaraoon ng probable cause ng kaso. Subalit, ang pagpabor ng hukom sa Motion for Reinvestigation at sa Motion to Dismiss batay sa kakulangan ng ebidensya ay taliwas sa naunang pagsasaalang-alang ng probable cause. Sa kaso ni Edillon vs. Narvios 99 S174, ang pagpabor sa isang reinvestigation ng piskal ay dapat na maiwasan dahil nagbibigay ito ng impresyon na inaayos ng akusado ang kaso o kaya ay ginagawan ng paraan ang pagdismis ng kaso sa opisina ng piskal.

Kaya ang hukom sa kasong ito ay napatunayang nagkasala ng gross ignorance of the law (Community Rural Bank vs. Talavera A.M. RTJ-05-1909, April 6, 2005. 455 SCRA 34).

AKUSADO

ASSISTANT PROSECUTOR

ASSISTANT PROVINCIAL PROSECUTOR

CABANATUAN CITY

COMMUNITY RURAL BANK

DEPARTMENT OF JUSTICE

HUKOM

KASO

KAYA

MOTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with