Pinakadakilang tao
May 21, 2006 | 12:00am
Sa lahat ng taong nabuhay sa mundo
Kaiba ang Ina at ang puso nito;
Ang lahat ng Ina ang tanging ginusto
Ligaya ng anak ligaya ng bunso!
Ang Ina ay Inang laging nagmamahal
Ilan man ang anak na kanyang iluwal;
Mabutit masama ang anak na basal
Minamahal niya na sa pusoy bukal!
Mayrong mga Inang nang dahil sa anak
Hindi alintana saanman masadlak;
Kahit kamatayay kanyang hinaharap
Upang ipadama ang kanyang paglingap!
Mayrong mga Ina na handang magdusa
Upang mailigtas ang anak na sinta;
May mga Ina pang pati kaluluwa
Ay handang isugal para sa anak nya!
May mga Ina pa na ang tanging hangad
Maging matagumpay ang mahal na anak;
Kahit musmos pa nga at kulang sa edad
Pinag-aaral na sa eskwelang tanyag!
At may mga Inang ang dangal at puri
Ay inilulusong sa dagat-asupre;
Tanging nais nila sanay mapabuti
Ang kinabukasan ng anak na tangi!
Kaya ang daigdig ay hindi daigdig
Kung wala ang Ina na hulog ng langit;
Siya ang sandigan nitong pananalig
Simbulo ng buhay tapat na pag-ibig!
Sa balat ng lupa kung ang Inay wala
Ay wala rin tayo sa ating buntala;
Sa lahat ng taong nabuhay sa lupa
Ang Ina ang siyang pinakadakila!
Kaiba ang Ina at ang puso nito;
Ang lahat ng Ina ang tanging ginusto
Ligaya ng anak ligaya ng bunso!
Ang Ina ay Inang laging nagmamahal
Ilan man ang anak na kanyang iluwal;
Mabutit masama ang anak na basal
Minamahal niya na sa pusoy bukal!
Mayrong mga Inang nang dahil sa anak
Hindi alintana saanman masadlak;
Kahit kamatayay kanyang hinaharap
Upang ipadama ang kanyang paglingap!
Mayrong mga Ina na handang magdusa
Upang mailigtas ang anak na sinta;
May mga Ina pang pati kaluluwa
Ay handang isugal para sa anak nya!
May mga Ina pa na ang tanging hangad
Maging matagumpay ang mahal na anak;
Kahit musmos pa nga at kulang sa edad
Pinag-aaral na sa eskwelang tanyag!
At may mga Inang ang dangal at puri
Ay inilulusong sa dagat-asupre;
Tanging nais nila sanay mapabuti
Ang kinabukasan ng anak na tangi!
Kaya ang daigdig ay hindi daigdig
Kung wala ang Ina na hulog ng langit;
Siya ang sandigan nitong pananalig
Simbulo ng buhay tapat na pag-ibig!
Sa balat ng lupa kung ang Inay wala
Ay wala rin tayo sa ating buntala;
Sa lahat ng taong nabuhay sa lupa
Ang Ina ang siyang pinakadakila!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended