Marikina Mayor Fernando, sayo nakasalalay ang bukas ng mahihirap hindi kay Laarni
May 21, 2006 | 12:00am
HALOS dalawang linggo nang nagsara ang kapitalista na si Bardot, etot nagbukas na naman ang lotteng at EZ2 ng bangkang si Laarni sa kaharian ni Marikina City Mayor Marides Fernando. Kung si Bardot ay namulubi sa abot langit na intelihensiya na hinihingi ni alyas Nestor, ang bagman ni Sr. Supt. Manny Gaerlan, hepe ng pulisya ng Marikina, si Laarni ay mukhang madamo. Sa paglisan niya sa illegal na negosyo sa siyudad ni Fernando, ipinamalita ni Bardot ng Pampanga na lampas leeg ang gustong intelihensiya ni Gaerlan kayat minabuti na niyang magsara. Pero si Laarni ng Santolan, Pasig City ay nagyayabang pa.
Ayon kay Laarni, hindi raw siya kayang tanggihan nina Gaerlan, EPD director Chief Supt. Charlamagne Alejandrino, CIDG chief Dir. Jess Versoza at ng NCRPO dahil pera-pera lang ang lakad nila. Kaya kung mamasdan ang timbre ni Laarni, aba bagyo talaga ang connection niya. Anong say mo PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao Sir? He-he-he! Saan na ang transformation program mo Sir?
Ang kasosyo pala ni Laarni sa lotteng at EZ2 sa siyudad ni Fernando ay sina Pinong at Butch na kapwa taga-Quezon City. Ang tagapamahala naman ng tatlo sa mga kabo o over-all cabo ay si alyas Ato. Tulad ni Bardot, umaabot din sa P100,000 kada araw ang kubransa ng tatlo sa kaharian ni Fernando. Ang ipinagtataka ko, bakit pumapayag si Fernando na maging pugad ng sugal ang kanyang siyudad? At isa pa, hindi taga-Marikina ang nakikinabang kundi taga-ibang lugar. Bakit? Hindi naman botante niya sina Laarni, Pinong at Butch ah? Kaya ang mangyayari niyan, ang taga-Marikina ang patuloy na naghihirap o dinadaya samantalang taga-labas naman ang nakikinabang. Wala itong ikinaiba sa kasabihang, ako ang nagsaing, iba ang kumain, di ba mga suki? He-he-he! Tuso lang talaga itong si Laarni at mga kasosyo niya.
Hindi lang pala sa Marikina City may pa-lotteng at EZ2 si Laarni kundi maging sa Pasig City at sa probinsiya ng Rizal. At ang balita ko pa, maraming management ang galit kay Laarni dahil mahilig pala itong manulot ng mga kubrador. Aba, tuso pala talaga itong si Laarni, no mga suki? At siyempre, kung sa Metro Manila malakas ang connection ni Laarni, ganun na rin sa PRO4A ni Chief Supt. Prospero Noble. Lintek talaga no? Ang bibigat ng nasa likod ni Laarni, Gen. Lomibao Sir. At hindi ako magtataka, Gen. Lomibao, Sir, kung pati opisina mo ay mabanggit ni Laarni sa pagyayabang niya. Baka naman panay hangin lang ang bokabolaryo ni Laarni?
Teka nga pala. Nabanggit ko na rin lang ang Rizal, totoo ba na nag-dry run na ang jueteng sa probinsiya ni Gov. Ito Casimiro? Sa susunod na yan.
Ang masasabi ko lang kay Mayor Fernando, tiyak lalong tataas ang bilang ng kriminalidad kapag patuloy na nag-ooperate ang pasugalan ng tropa ni Laarni sa siyudad mo. Tingnan mo ang mga records ng pulisya mo Mayor Fernando, Mam at sabihin mo sa akin na mali ako. At bakit ayaw kumilos laban sa kriminalidad ang mga pulis mo Mayor Fernando Mam? Yan ang dapat na alamin mo at bigyan mo kaagad ng solusyon bago maging huli ang lahat. Sa iyo Mayor Fernando nakasalalay ang kinabukasan ng mga mahihirap sa Marikina City at hindi sa lotteng at EZ2 ni Laarni, di ba mga suki?
Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended