^

PSN Opinyon

Pagbabago sa serbisyo publiko ng BITAG

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MARAMING pagbabago ang magaganap sa araw ng serbisyo publiko ng BITAG tuwing Miyerkules.

Ito’y para sa ikabibilis at ikadadali ng proseso ng aming pagtulong sa mga lumalapit at nagtitiwala sa aming kakayahan sa larangan ng pag-iimbestiga.

Sa araw ng aming serbisyo publiko ay magkakalat kami ng mga "surveillance camera" ito’y upang maging mata ng aming grupo sa mga mapagsamantala.

Ang hakbang na ito ay para sa seguridad ng aming grupo at gayundin sa mga nagpupunta at humihingi ng tulong sa BITAG.

Binibigyang halaga ng BITAG ang mga tips at impormasyon na inyong ibibigay tungkol sa mga kilos at galaw ng mga sindikato.

Gayundin ang bawat complainant na biktima ng panloloko, pang-aabuso at pananamantala ng mga tiwali at dorobo.

Kasama rin sa aming patakaran ang hindi pagtitiwala at pakikipag-usap ng mga complainant sa mga taong hindi kasapi ng aming grupo.

Siguraduhin lamang na makikipag-ugnayan lamang kayo sa aming mga staff na may ID ng BITAG.

Hindi namin estilo ang makipagkita o makipag-usap sa labas o sa lugar na malayo sa aming tanggapan.

Lilinawin lang namin na ang serbisyo publiko ng BITAG ay libre at walang hinihinging kapalit na ano man.

Alin man sa mga palatandaang ito ang inyong makita sa mga taong inyong nilalapitan ipagbigay alam agad sa mga lehitimong staff o maging sa inyong lingkod.

Dahil maaaring ang inyong nakakausap ay maaring isang impostor lamang na nananamantala sa kahinaan ng ating mga kababayan.

Ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at epektibong serbisyo publiko ng BITAG at mas lalo pang matulungan namin kayo.At babala namin sa mga gustong samantalahin ang pagkakataon na makapanloko sa araw ng aming serbisyo publiko ng BITAG, kuwidaw na kayo! sisiguraduhin ng BITAG na magiging dokumentado ang bawat kilos at galaw ng inyong panloloko.

AMING

BINIBIGYANG

BITAG

DAHIL

GAYUNDIN

INYONG

KASAMA

LILINAWIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with