^

PSN Opinyon

Pagkakaperahan ang nasa isip ni Lomibao para pabaon sa pagreretiro niya

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAGSULPUTANG parang kabute ang video karera sa Metro Manila at kalapit na probinsiya at mukhang si PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao lang ang hindi nakaaalam. Kaya kung patay-malisya si Lomibao sa pagbalik din ng jueteng sa bansa, tiyak ganun na rin ang sistema niya sa video karera. Matatandaan na halos umabot sa langit ang kasisigaw ni Lomibao ukol sa one-strike policy niya laban sa jueteng at video karera, pero kung itong pag "I shall return" ng mga sugal sa bansa ang gagawing dahilan, mukhang sumemplang siya. Paano maniniwala ang sambayanan sa mga sasabihin pa ni Lomibao sa darating na mga araw, eh dito sa kampanya niya sa jueteng at video karera, lumihis na siya. Ang usap-usapan tuloy sa ngayon sa MPD, hindi na para mapaayos ang PNP ang nasa utak sa ngayon ni Lomibao kundi ang pagkaperahan bilang pabaon sa pagreretiro niya sa Hulyo 5. Nakikita kasi ng taga-MPD na pinapaayos na naman ang parke sa harap ng PNP headquarters sa Camp Crame at naniniwala sila na "pabaon" lang ang proyektong ito. Kaya hindi lang ang jueteng at video karera ang magiging laganap sa bansa natin sa darating na mga araw kundi kung anu-ano pang pagkakakitaan dahil magreretiro na si Lomibao. Ayon sa taga-MPD na kausap ko, magagalit na ang sambayanan kay GMA kapag ini-extend pa niya ang termino ni Lomibao kasi pabaon lang ang nasa isipan niya, he-he-he! Nag-ambisyon pa ng extension eh palpak naman.

Para sa kaalaman ni Lomibao, itong nagdaang mga araw, naglatag na ng makina si Oye Santos sa kaharian ni Mayor Canuto Oreta sa Malabon. Umaabot sa 200 makina ang inilatag ni Oye Santos kaya masaya na naman sa ngayon itong sina Oreta at Chief Supt. Leopoldo Bataoil, ang hepe ng NPD. Paayaw-ayaw pa si Bataoil eh bubukas din pala ng palad sa bandang huli, di ba mga suki? Pero tiyak, ibaling na lang sa malayo ni Lomibao ang paningin niya kung video karera ni Oye Santos ang pag-uusapan dahil naging spokesman niya si Bataoil. Kung malambot nga si Lomibao sa ibang hepe ng pulisya, dito pa kaya kay Bataoil na nanilbihan sa kanya? Kaya palaging nakangiti sa ngayon si Bataoil dahil sa salaping iniakyat sa kanya ng video karera ni Oye Santos.

Hindi lang si Oye Santos ang nagbukas sa Metro Manila kundi maging ang mga pulis na sina Renel Bernardo, Gerry Peralta at Malang brothers sa lugar ni QCPD director Chief Supt. Nicasio Radovan. Itong away-away pa ng mga video karera operators ang isa sa mga anggulong tinitingnan sa pagpatay kay Insp. Danny Sarmiento ng CIDG noong nakaraang Sabado. Malalim ang pag-ambush kay Sarmiento at marami akong nakausap sa MPD na ang video karera na sakop ni Radovan ang itinuturong dahilan. Maging si Junjun na alipores ni Manila video karera king na si Randy Sy ay naglatag na rin sa Parañaque City at Las Piñas City. Sa kaharian naman ni Mayor Totoy Castro sa Balagtas, Bulacan, naglatag na rin si Boboy Go nang mahigit 100 makina. Maliban kay Castro, nakikinabang na rin ang hepe ng pulisya na si Chef Insp. Emma Libunao. Itong si Eric Sil

verio ay may VK din sa Balagtas. Kaya kapag tinupad ni Lomibao ang banta niya na one-strike policy, tiyak walang matitira sa kapulisan natin dahil pasok silang lahat sa jueteng at video karera. Anong say mo Gen. Lomibao, Sir? Abangan!

BATAOIL

CHIEF SUPT

KARERA

KAYA

LOMIBAO

METRO MANILA

NIYA

OYE SANTOS

VIDEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with