^

PSN Opinyon

Fly Pinas Fly!

- Al G. Pedroche -
KAHIT mayroong political bickerings sa bansa, nakatutuwa na umaarangkada ang trading activities sa Philippine Stock Exchange (PSE) sa nakalipas na araw. Dumaragsa ang mga dayuhang mamumuhunan. Kung sa kabila ng mga gulong pampulitika ay nagtitiwala pa rin sa investment climate natin ang mga dayuhan, lalu na siguro kung nagkakaisa na ang ating political leaders. Sabi ng mga investment analysts, umpisa pa lang ito ng pag-angat ng Pilipinas. Anila, hindi katakatakang gumanda ang economic performance dahil sa lumalaking kita ng pamahalaan, good management ng pananalapi ng bayan, pagbaba ng inflation rate at malakas na tubo ng mga pribadong korporasyon.

Ang 300-company PSE Index ay umangat ng 118.93 puntos at nagsara sa 2,589.17 matapos lumobo ng hanggang 2,602.46 puntos. Pinakamataas ito na naitala ng index mula noong Hulyo 13, 1999. Ang pagtaas ng stocks ay may direktang kaugnayan sa sitwasyon sa ating bansa sa nakalipas na linggo. Hindi man siyento porsyentong mapayapa ay naipakita ng pamahalaan at ibang nagmamalasakit na sektor ang kakayahang makontrol ang posibleng magulong scenario. Halimbawa, nabigo ang tangkang patalsikin ang Pangulong Arroyo nung Pebrero. Naging mapayapa ang Labor Day rallies.

Nagpakita ng disiplina ang lahat ng sektor ng lipunan pati ang mga law enforcers at yung mga nasa "leftist sector." Sana’y masundan pa ito ng mga positibong pangyayari. Kung magkakagayon, lalu pang daragsa ang mga mamumuhunang papasok sa bansa na magbubukas ng maraming employment opportunities. Magiging madali para sa gobyerno na ipatupad ang mas maraming proyekto sa kapakanan ng bayan. Suma total, masasabi na ang mahigpit na pagpapatupad ng batas sa peace and order ay para sa kapakanan nating lahat. Ilakip pa riyan ang planong pagreporma sa Konstitusyon. Sa mga pagbabagong iyan, kasama ang probisyong paborable sa pagpasok ng mga foreign investors na hindi nakasaad sa kasalukuyang Saliganbatas. Sa ngayon ay hindi masyadong dama ng taumbayan ang pag-angat ng kabuhayan. Pero kung talagang malayang makapagbubukas ng negosyo ang mas maraming investors, giginhawa na rin si Juan dela Cruz.

Sana’y tuluy-tuloy na ang pagkakaisang ito ng bawat sektor ng lipunan dahil ito’y para sa ating ikabubuti. Huwag munang isipin ang mga political personalities na kinamumuhian natin. Ang mahalagay malayang maisulong ang mga pagbabagong kapapakinabangan nating lahat.

E-mail me at [email protected]

ANILA

CRUZ

DUMARAGSA

HALIMBAWA

HULYO

LABOR DAY

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE STOCK EXCHANGE

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with